Share

CHAPTER 3

Aziealle and Kc have already talked about Aziealle staying in the extra room in the coffee shop to save on the fare.

Maagang dumating si Aziealle sa coffee shop dala-dala ang mga gamit nito na pang-isang linggo, pumayag naman ang Ina ni Aziealle na mag sstay na Lang ito Sa trabaho ,ang dahilan ng Ina nito Ay para naman mabawasan ang palamunin sa bahay niya. 

Masakit sa side ni Aziealle na marinig ang gano'ng salita galing sa sarili nitong Ina ngunit isanasanay na Lang nito ang sarili sa mga gano'ng salita dahil wala naman siyang karapatan dahil tama naman ang Ina nito. 

Agad na dumiretso si Aziealle sa loob ng silid sa loob ng Coffee shop at sandaling umupo sa kama. Nag ooverthink nanaman 'to dahil Sa mga narinig na salita mula sa Ina, She want to prove to her family na Kaya niya mag hanap ng trabaho para makatulong, Ngunit paano siya lalakasan ng loob kung ang mismong pamilya niya ang humahatak sa kanya pababa. 

Inayos na ni Aziealle ang mga gamit niya dahil ilang oras na Lang ay mag bubukas na ang coffee shop at darating na rin sila Kc. 

Pag-tapos mag ayos ni Aziealle nang gamit niya Ay lumabas na siya nh silid at nilinis na ang coffee shop dahil maya-maya lang ay may mga customers na. Nag punas ng mga lamesa si Aziealle at nag punas ng sahig at nag walis. 

Lumingon si Aziealle sa glass door ng marinig niya na mag bukas 'yon. 

"Hello" nakangiting bati ni Harmony na may hawak na box. Inilapag ni Harmony ang box ng cake sa lamesa at muling lumingon kay Aziealle. 

"Hmm, hello? "Nakangiting patanong na ani ni Aziealle. Huminto si Aziealle sa pag wawalis at nilingon si Harmony. 

"Sorry sa istorbo, dito muna ako ngayon"Ani nito at naupo sa bungad na upuan na malapit sa kanya. 

"Okay"tumango-tango na Lang si Aziealle at pinagpatuloy ang pag-wawalis. 

"Btw, ano nga pala name mo? "Tanong nito na nakaharap ng upo kay Aziealle. 

"Ako?"takang tanong ni Aziealle na itinuro ang sarili. 

"Hindi baka yung walis"Sarcastic na ani nito at tinuro ang walis na hawak ni Aziealle. 

"Malay ko ba na, may nakakakita ka na Hindi ko nakikita"bulong ni Aziealle. 

"Narinig ko 'yon, ha! "Ani nito at ambang tatayo. 

"Malamang may tenga ka"Sagot ni Aziealle. 

"Tsk, sagutin mo na lang yung tanong ko"Ani nito at nakangiwi na bumalik sa pagkakaupo. 

"Bakit mo tinatanong? "Tanong ni Aziealle at tinaasan ng kilay si Harmony.

"Basta, ano nga? "Tanong nito. 

"Hulaan mo"ani ni Aziealle at iniwan ito at binalik ang walis sa kusina.

Paglabas ni Aziealle sa kusina ay bumungad sa kaniya si Harmony na nakasandal sa counter na nakaharap sa kanya. 

"Ano nga? "Pangungulit nito. 

"Tsk, hulaan mo nga"ani ni Aziealle at nilagpasan si Harmony na sinundan siya ng tingin. 

"Ano nga, kasi? "Ani nito at sinundan si Aziealle sa paglalakad. 

"Ano naman mapapala ko kapag sinabi ko sayo?"Ani ni Aziealle na magka-cross ang braso sa dibdib na huminto sa harap niya. 

"Uhm,grabe ka naman"sulubong ang kilay nito na nakangusong tumingin kay Aziealle. 

"Tsk, I'm Aziealle"ani ni Aziealle at nakangising iniwan na ito at naglakad na papunta sa glass door para baliktarin ang 'Closed "

"Ang hirap naman"Ani nito na bumuntong hininga. 

"Call me, Eunie kapag tamad ka"Ani ni Aziealle at nginisihan si Harmony. 

"Ok, Eunie"Ani nito sa pa-cute na boses. 

Tumaray lang naman Sa hangin si Aziealle at nag buntong hininga.

"Ilan taon ka na pala? "Tanong muli ni Harmony. 

"Interview? "Sarcastic na ani ni Aziealle at tinaasan ito ng kilay. 

"Hindi, masama ba? "Ani nito. 

"Hindi naman, ikaw ilan taon ka na?"Tanong ni Aziealle. 

"21"

"Same"

Magsasalita na sana muli si Aziealle nang biglang mag bukas ang glass door at iniluwa no'n si Kc kung makangiti ay akala mo nanalo sa lotto. 

"May date pala dito"Pang-aasar ni Kc at tinignan ang dalawa. 

"Tsk, ang attitude naman niyan"Ani ni Harmony na tumutukoy kay Aziealle 

"Tsk, parehas lang kayo. Staka ano Ba ginagawa mo dito? "Ngiwing tanong ni Kc kay Harmony at tinaasan ito ng kilay. 

"Wala lang, wala naman kasi akong ginagawa"Ani nito. 

"Tsk,kaya dito ka lumandi, ganon? "Asik ni Kc at tinaasan ng kilay si Harmony. 

"Hoy, nag tatanong lang naman ako"Ani ni Harmony. 

"Ta-tanong, letche"Ani ni Kc at naglakad palapit kay Aziealle na nasa Counter. 

"Ang aga mo naman 'ata ngayon"Ani ni Kc at tiningnan si Aziealle. 

"Siyempre, kailangan"Ani ni Aziealle. 

"Tsk, Hoy. Harmony bumalik ka na sa Kabila, walang katulong sila Ren, doon"Asik ni Kc at nag baling ng tingin kay Harmony. 

Bagsak naman ang balikat ni Harmony na tumayo at kinuha ang apat na cake na hawak niya at ipinasok sa Kusina. 

Taka naman na umiling si Aziealle na sinundan ng tingin si Harmony na pumasok sa kusina. 

"Hindi ba nag aaral 'yon? "Tanong ni Aziealle kay Kc at nginuso ang kusina. 

"Nakapag tapos na 'yon"Sagot ni Kc. "Nako, Eunie, dilikado ka diyan kasi maraming babae ang nahuhumali diyan, dahil sobrang ganda ng boses niya"Ani ni Kc at kinindatan si Aziealle. 

"Hindi ko naman sinabi na gusto ko siya"Ani ni Aziealle at kumunot ang noo. 

"Nako, Eunie. Hindi malabo na magustuhan mo si Harmony "Seryosong ani ni Kc. "Harmony is a good man, kaya Hindi ako mag tataka kung magugustuhan mo siya"

Kumunot naman ang noo ni Aziealle sa sinabi nito, siguro nga ay Hindi malabo na magustuhan ni Aziealle si Harmony ngunit pipilitin niya na pigilan 'yon kasi Hindi sila pwede. 

"Dimo, sure"Ani ni Aziealle at straight ang labi na ngumiti. 

"Tsk, mabilis ka lang mahuhulog alam Mo kung bakit? "Ani nito. 

"Bakit? "Tanong ni Aziealle .

"Kasi Hindi ka familiar sa mga gano'n, sa tingin ko lang naman. Pero if ever na may iba kang nararamdam, just ask me"Ani ni Kc at kinindatan si Aziealle. 

Hindi na nakapag-salita si Aziealle dahil agad na lumabas si Harmony na galing sa kusina. 

"Nalagay ko na yung mga cake sa Refrigerator"Ani ni Harmony na lumabas galing sa kusina. 

"Oh, Edi bumalik ka na Sa Kabila"Ani ni Kc na nilingon si Harmony. 

"Ang sama niyong Mo"Ngiwi nito na masama ang mukha na nilagpasan ang dalawa"aalis na 'ko"Pag-papaalam nito at agad na lumabas. 

"Baliw, baka nasaktan 'yon"Ani ni Aziealle na sinundan ng tingin si Harmony sa labas. 

"Nag da-drama Lang 'yon"Ani ni Kc at nakangiting tinanguan si Aziealle. 

Tumango na Lang si Aziealle at sinilip si Harmony sa labas ngunit wala na ang kotse nito. Umiling na Lang si Aziealle at inayos na ang mga gamit sa counter. 

Buong Araw na busy ang dalawa sa loob ng Coffee shop dahil sunod-sunod ang mga Customers na pumapasok at umo-order, nakapag pahinga Lang ang dalawa pagtatak ng 9 am dahil nasa loob na ng room ang mga students. 

"Aziealle, tignan mo nga kung may Stock Pa tayong strawberry cake sa loob"Ani ni Kc habang tinitignan ang display na Cake. 

Tumango naman Si Aziealle at pumasok sa loob ng Kusina. Pag bukas ni Aziealle ng refrigerator ay isa-isa niya na tinignan ang mga box ng cake ngunit wala ng Strawberry cake at Vanilla, ayan kasi ang madalas na order sa umaga. 

Lumabas si Aziealle ng kusina at agad na lumapit kay Kc "Wala na tayong stock ng strawberry at Vanilla Cake"Ani ni Aziealle. 

"Ah, sige"Ani ni Kc at bumuntong hininga"Asikasuhin mo muna yung Customer"at nginuso ang tatlong babae na pumasok. "May tatawagan Lang ako"

"Okay"tango ni Aziealle. 

Paglapit ni Aziealle sa tatlong babae ay agad na nag tawanan ang mga 'to na tila pinag-tatawanan ang paglapit ni Azieanne. 

"ano -"

" 3 Iced mocha and also 3 slice of dark chocolate cake"Maarting putol ng babae sa sasabihin ni Aziealle. 

" 'yon lang po Ba? "Tanong ni Aziealle. 

"And, pwede wag mong landiin si Harmony?"Ani nito at siningkitan si Aziealle. 

Kumunot naman ang noo ni Aziealle. Wala naman itong natatandaan na nilandi niya Si Harmony. 

"Wag ka na mag deny ,I saw you earlier "Ani nito at tinaasan ng boses si Aziealle. 

Hindi na sumagot si Aziealle dahil ayaw niya nang gulo, Hindi Pa man nakakahakbang si Aziealle paalis ay hinawakan ng isang babae ang kamay niya at mahigpit na pinilipit 'yon. 

"Wag mo'kong subukan,oras na makita ko na nag uusap kayo ni Harmony Hindi Lang 'to ang gagawin ko sayo"Asik nito at inikot ang kamay ni Aziealle. 

"Aray! "Daing ni Aziealle. 

Kaya ni Aziealle na labanan ito ngunit ayaw magkaroon ng kaaway at ayaw niya na gumawa ng gulo dahil lang sa lalake. 

"Wag mo'kong artihan, I told you Hindi Lang ito ang gagawin ko sayo"ani nito at pabatong binitawan ang kamay ni Aziealle. 

Agad na hinawakan ni Aziealle ang kamay niya na pinilipit nito at minasahe, Hindi na sumagot si Aziealle at tinalikuran na Lang niya ang mga ito na nagsitawanan. 

Paglapit ni Aziealle ay sakto naman ang paglabas ni Kc galing sa kusina. Agad na tinago ni Aziealle ang kamay niya nang bumaba ang tingin ni Kc doon. 

"Ito 'young order "Ani ni Aziealle na pilit tinago ang sakit nh kamay nito. 

"Sige, antayin mo si manong Jerry, ihahatid ka niya Sa Kabila para kumuha ng stock ng cake"Ani ni Kc at kinuha ang papel kay Aziealle at tumalikod na. 

Mariing pinikit ni Aziealle ang Mata dahil Sa sakit ng pulsuhan niya, sensitive si Aziealle sa physical dahil Hindi ito sanay ngunit sa emotional ay sanay ito Sa sakit. Dahan-dahan na hinilot ni Aziealle ang pulsuhan niya bakasakali mabawasan ang kirot. 

"Eunie, nandyan na Si Kuya jerry, lumabas ka na!"Sigaw ni Kc mula sa counter. 

Hindi na sumagot si Aziealle at nag lakad na ito palabas. 

"Tell to harmony the real story, ako ang bahala sa Vanessa na 'to"walang emosyon na bulong ni Kc pagdaan ni Aziealle sa tabi nito. 

Taka naman na nilingon ni Aziealle si Kc. Paano niya nalaman 'yon eh nasa kusina ito kanina. 

"Go, bilisan mo lang"Ani ni Kc"Sabihin mo rin pala kay Zievion na siya ang mga hatid sayo"Ani ni Kc. 

Agad na nakaramdam ng kaba si Aziealle ng kaba nang marinig nito ang pangalan ni Zievion. gusto tumanggi ni Aziealle ngunit wala itong choice dahil baka asarin nanaman siya ni Kc. 

"Go"

"Yes"tango ni Aziealle at patakbong naglakad palabas ng coffee shop. 

Paglabas ni Aziealle ay agad itong sinalubong ng isang Hindi katandaang lalake at itinuro ang kotse. Pagsakay ni Aziealle sa kotse ay sumunod na rin ito at agad na pinaandar paalis sa lugar. 

Habang nasa byahe ay sumilip si Aziealle sa bintana para tignan ang dinadaanan nila para Sa susunod ay kabisado na nito papunta doon. 

"Ma'am, kung Hindi niyo po mamasamain, ano  ho, ang pangalan niyo? "Tanong ng lalaki at tinignan si Aziealle mula sa salamin. 

"Uhm, Aziealle Eunie po"Ani ni Aziealle. 

"Uhm, ang ganda ho, "ani nito at tumango-tango. 

Ngumiti na Lang si Aziealle at Hindi na nag salita. Habang nasa byahe ay may kalayuan din pala ang pagkukunan niya ng stock. 

After more five minutes ay huminto na ang kotse kaya agad na inayos ni Aziealle ang sarili sa pagbaba. Pagbaba ni Aziealle ng kotse ay nagula ito na isang coffee shop din ang pinuntahan nito. 

Coffee Dream? 

"Manong, akala ko, kukuha tayo ng stocks?"Tanong ni Aziealle. 

"Oo nga, ho. Diyan po kumu-kuha ng stock ang Zelarta cafe"Ani ni kuya Jerry. 

"Ah, gano'n po ba. Tara kuya pasok na tayo"Ani ni Aziealle at amba ng maglalakad. 

"Nako, ma'am kayo lang po ang papasok dahil sabi ni Ma'am Kc, ihatid Lang po kita"Ani nito. 

"Paano ako pag-uwe? "Tanong ni Aziealle. 

"Si, sir. Zievion po ang mga hahatid sainyo"Ani nito at bumalik na Sa pag-pasok sa loob ng Kotse. 

Bumuntong  hininga naman Si Aziealle at tumingin sa entrance ng Cafe. Lakas loob na nag lakad si Aziealle palapit sa coffee shop at gamit ang isa nitong kamay na Hindi masakit ay dahan-dahan niya na tinulak ang Glass Door. 

" Si Eunie"

Agad na tumama ang Mata ni Aziealle sa lalaking may hawak na cup of Americano na tumingin rin sa kanya. Zievion is now looking at her while holding a cup of Americano. 

"Eunie! "Tawag ng isang familiar na boses. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status