Share

Chapter 4

Maganda ang babae , yung pinaghalong maganda at cute. Kaya wala kang maipipintas. Kung sa kaseksihan  para sa kanya ay pasok. May mga lalaking gusto ang payat yung tipong modelo pero mas pasok sa kanya ang medyo may laman and this woman fits the narrative.

Alas Dos ng tanghali at tirik ang araw at walang kaarte arte ang babae, wala rin itong kolorete o kahit anumang burloloy sa katawan..also fits his ideal type.

Pinakatitigan ni Miguel ang babae, may malalim pero maliit pala itong dimple sa malapit sa bibig katulad ni Mikee na asawa ni Dodot Jaworski na Idol niya noon sa basketball.

Marahil mga limang dipa na ang layo nila sa pangpang ng makita ni Miguel na pawisan na ang babae at mamula mula na ang pisnge sa init ng araw.

Seryoso ang  babae sa pagsasagwan kaya naman naisipan niyang lumipat ng puwesto sa isang upuan na nakadikit sa  bangka mas malapit sa babae siya pumuwesto.

“Sir teka wag po kayong malikot baka tumaob ang bangka. Bumalik po kayo sa dulo para balance” bilin ng dalaga.

“Okay lang maunong naman akong lumangoy” Sagot nito.

“Hindi po yun ang ponto sir. Sige na po bumalik na kayo sa kabilang dulo” sabi ni Athena.

“Dito na lang ako, hindi naman maalon kaya  hindi tayo mawawala sa balance” sabi pa ng lalaki.

Hindi na lamang kumibo si Athena. Bakit lahat na lang ng lalaki makulit at feeling authority. Kahit ang kababatang si Berting ganito rin ka kulit. Pustahan tayo maya maya lang pati sagwan ko pakikialaman na nito. Sanay na si Athena sa ganun, ki babae o ki lalaki ang sakay madadas nangingialam. Pati pagsagwan niya gustog maexperience tapos bigla siyang gagawing photographer ng mga h*******k.

At hind nga nagkamali ang  dalaga dahil heto at naguusisa na nga ito.

“Mabigat ba ang paddle? I mean  gaano kabigat ang sagwan mo. Pwede mahiram?” sabi ni Miguel.

“Haaist talaga naman, akala ko ba nagmamadali na kayo sir? Oh sige na ayan na bilisan nyo lang at isang metro pa ay naroon na tayo sa malalim na parte hindi na pwede ang commercial na

ganito. Amin na po ang cellphone nyo ng mapicturan ko na kayong namamangka. Yan naman ang mga drama nyo eh” Sabi ni Athena.

“Why are you so bitter? Saka hindi ako magpapapicture” Sabi ni Miguel na kinuha na nga ang sagwan.

‘Wow mabigat din ito miss. Buti hindi ka nagkakakulani sa kiliili o baka ilang beses na. Grabe  bakit hindi na lang  bangkang di motor ang gamitin mo para mas magaan sa buhay” Sabi ni Miguel saka  nagsagwan ng nagsagwan.

“Pasesyan na rin sa aming kahirapan at ganitong bangka lamang ang kaya ng aming bulsa. Kayo Sir? Mukha naman kayong mayaman  ah bakit hindi kayo umarkila ng bangkang de motor para mas mabilis kayo makarating. Malamang 10 minutes lang nandun na kayo” sabi ni Athena.

“Ahh wala kasing available kanina lahat daw pumalaot, so no choice ako kundi magbangka nga lang. Saka mas gusto ko ang ganito tahimik. Masakit kase sa tenga ang  de motor” Paliwanang ng  lalaki.

“Ilang taon ka na Miss?” Biglang tanong nito.

“Ahh twenty-three sir kayo po ilang dekada na?” Bawi ni Athena.

"I’m 27, eh Miss ilang taon mo na itong ginagawa. Wala ka bang  kapatid o asawa. Buti pinapayagan ka ng kasintahan mong mamalaot mamgisa. Kae kung ako yan never” tanong ni Miguel. Siningit niya talaga sa dulo ang tanong na iyon para malaman kung may boyfriend o asawa na ang babae.

Hindi agad nakasagot si Athena sa tanong ng lalaki. Alam niyang lumalambat ng impormasyun ang lalaki. Sanay siya sa mga  ganung tanngan  halos karamihan ng kabataang  dayo ay ganun ang diskarte  pero karamihan mas bata sa kanya.

Minasdan ng pasimple ni Athena ang lalaki. Guwapo ang lalaki aminado siya doon. Matanda ito sa kanya ng apat na taon kaya mas malamang may asawa na ito o kaya baka may kasintahan. Sa gandang lalaki nito malamang baka nga nagbibilang pa.

“Ah baka ang pupuntahan nito ay kasintahan niya kaya naman willing kahit nasa kabilang  isla. Suwerte nman ni girl” Bulong ni Athena at dahil doon ay napatulala na namn ang dalaga. Sa kakaisip ng dalaga ay halos hndi na niya namamalayan na ang lalaki na ang halos nagsasagwan at nagmumukha na siyang pasahero.

“Naku sir nandito na tao sa malalim. Magiging mabigat na po ang pagsagwan. Akin na po ibalik nyo na sa akin ang sagwan” Sabi ni Athena.

“It’s okay Miss nag eenjoy naman ako. Ako nga pala si Miguel, Miguel  Del Valle, ikaw  anong pangalan mo?” Tanong ni Miguel kahit pa nga hindi pa sinasagot ng babae ang una niyang tinanong.

“Pero Sir naka gitna na tayo at malayo layo na rin ang nasasagwan nyo mapapagod po kayo eh. Ako dapat ang gumagawa niyan. Sana po sinabi niyong self-paddle kayo para sana pinahiram ko na lang sa inyo ang bangka. Yung nga lamang mas mahal ang upa kesa ang magpahatid na lang“ Sabi ni Athena.

“Wag ka magalala miss, babayaran pa rin naman kita kahit ako ang nagsasagwan” Sabi ni Miguel.

“Aah so ganun ang tingin nyo sa akin sir. Hoy, guwapong kumag may prinsipyo po ako kahit kasing liit ng buhangin ang tingin mo sa tulad ko. Pinaghihirapan ko ng kinakain ko kahit magkanda kula kulani na ang kilikili ko” nalalaki pa ang matang sabi ng dalaga.

“Ibabalik mo na sa akin ang sagwan ko sir ng makarating ka ng maayos o itataob ko tong bangka at lumangoy ka na lang patungong kabilang Isla" buwiset na sabi n Athena umiral na naman ang pagka amasona niya.

“Woahh, wait lang wag kang masyadong mainit ang ulo .Saka hindi kita ininsulto Miss. At kelan ko sinabing buhangin ang tingin ko sayo. Ang akin lang wag kang masyadong magalala tinutulungan lang kita” Sabi ni Miguel.

“Ang tapang mo siguro ang sarap mo magluto?” Sabi pa ni Miguel. Hindi talaga ion ang sasabihin niya iba sana medyo sensore pero hindi na iny sinabi dahil  baka lalo itong maging tigre at lunurin siya sa tubig mahirap na.

“Hah! Oo masarap akong magluto specialty ko ang  adobong u-ang at  kuliglig, sinapalukang alakdan  at dinakdakang palaka gusto mo matikman” Nanginis na sabi ni Athena.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status