¶ The Mafia and Citizens ¶
III. IKATLO (3.2)
Ali Rivera’s PoV
Nagising ako ng puno ng pawis sa katawan dahil muli ko na namang napanaginipan ang nakaraan ko no’ng bata ako. Halos hindi ako makausap ng matino ng mga magulang ko. Pakiramdam ko ay naroon pa rin ako at hawak pa rin ako ng babae na ‘yon. Tila sinusundan ako ng karanasan ko na ‘yon na pati sa pagtulog ko ay hindi ako nito iniiwan.
At sa tuwing kinakausap ako ni Dad, lagi niya sa akin pinapaalala na ‘wag ko sabihin kay Mom ang totoong nangyari o patungkol mismo sa babae. Alam kong ayaw na ng gulo ni Dad at ayaw niyang masira ang pamilya na binuo nila. Pero, hanggang ngayon ay dala-dala ko ang nakaraan.
May mga araw na kapag nakakausap ko si
¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT Josie Ocampo’s PoV Naalimpungatan ako dahil tila naramdaman kong wala akong kasama sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang dalawang mata ko at agad na umayos ng upo at dumiretso ako ng tingin sa higaan ni Ali. At tama nga ang pakiramdam ko, wala akong kasama dito sa loob at iniwan ako ng timang na Ali na ‘yon. Hindi ko naman maisip kung sa’n siya maaaring pumunta. Tiningnan ko ang orasan at 5am na rin ng madaling araw, nakita ko pa na may unread messages ako na agad kong binuksan para basahin. Nanlaki ang dalawang mata ko nang makita ko ang message ni Tita sa akin na malapit na siya sa Hospital, at sigurado akong nandirito na siya ngayon at hinahanap ang kwarto ni Ali.
¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT (4.1) Josie Ocampo’s PoV Hindi pa ako nakakahanap ng susunod kong sasabihin ay agad na itong binaba ni Crimson. Bukod sa kahit gano’n ang tono ng boses niya, alam ko naman kung gaano siya ka-seryoso patungkol sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung pa’no ko nalalaman, pero ayon ang nararamdaman ko. Bumalik ako sa loob ng fast food na pinasukan namin kanina. Hindi naman agad nahanap ng mga mata ko si Tita, mabuti na lang at kumaway ito sa akin. “Sino ‘yong tumawag? Is it important?” tanong ni Tita nang makaupo ako.
¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT (4.2) Josie Ocampo’s PoV “You can stay at my house,” biglang ani nito. Natawa naman ako sa sinabi niya, “Wow ha, paano mo nasasabing wala akong matutuluyan ngayon?” nakangising tugon ko rito. Nagkamot naman ito sa batok niya saka naglakad papalapit sa akin. “Ano ba ‘yang mga dala mo? Mga gamit mo, diba? Wala namang show ngayon para magdala ka ng mga props,” natatawang sambit nito. Inirapan ko naman siya, “Kanya-kanyang trip lang ‘to,” tugon ko naman sa kanya.
¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT (4.3) Josie Ocampo’s PoV Nakita ko kung gaano naging aligaga si Sean sa pagbukas niya pa lang ng pintuan ng kotse niya. Muntikan niya pa akong maiwan sa sobrang pagmamadali. Nasa loob na kami ng kotse ngayon, hindi ko mabasa ang nasa utak ni Sean ngayon, basta hindi maaliwalas ang mukha nito hindi gaya sa nakikita ko kanina lang. “Shit!” malutong na mura nito at malakas na pinalo ang manibela. Nagulat naman ako do’n at napatingin ako sa harapan ko. Tumigil ang sasakyan na nasa harapan namin, tiningnan ko ang oras at maga-alas nuwebe na rin ng gabi. Huwag sa
¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT (4.4) Josie Ocampo’s PoV Napatigil naman ako sa paglalakad sa tapat ng gate nila Sean nang bigla akong nakaramdam ng hiya sa mga nangyari ngayon. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. “Why? Is there a problem?” he asked. I deeply sighed, “Nakakahiya sa Lola mo, Sean. Baka kung ano ang isipin niya, ayoko naman na isipan ka niya ng masama,” tugon ko rito. “No worries, i will explain her everything. I know she will understand, hindi naman madamot si Lola kaya nga nandirito ako sa pamamahay niya.” Naramdaman ko naman kung paano pinagaan ni Sean ang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Nang buksan niya ang gate, sinalubong naman kami ng ilang mga kasambahay niya at kinuha ang mga dala kong gamit. Balak ko pa sana itong bawiin pero pinigilan ako ni Sean. “Paki-prepare na ng mga gamit niya sa sinabi kong kwarto,” rinig kong utos ni Sean sa mga kasambahay niya. Bakit kaya siya sobrang kabado kanina kung marami nam
¶ The Mafia and Citizens ¶ V. IKALIMA Sean Mercado’s PoV Nagising ako nang may nararamdaman akong marahang tapik sa likuran ko. Tumingin naman ako sa likuran ko, at medyo malabo pa ito sa paningin ko hanggang sa luminaw na. Ramdam ko naman agad ang sakit ng ulo ko. “Sir, bumangon na po kayo diyan,” ani ng isa sa mga kasambahay namin. Napatingin naman ako sa paligid at nasa bar stool pala ako nakatulog. Nakita ko naman ang nangalahating whiskey na nasa tapat ko. Obvious naman na sa sobrang kalasingan, ay dito ako nakatulog. “Anong oras na po?” tanong
¶ The Mafia and Citizens ¶ V. IKALIMA (5.1) Sean Mercado’s PoV Bigla akong nawalan ng reaksyon sa huling sinabi ni Josie sa akin sa mismong harapan ko. Nakatayo lang ito sa harapan ko at seryosong nakatingin lang sa akin at samantalang wala naman akong ginagawang aksyon. Napagalaw naman ako sa sa biglaan niyang pag ngisi at pag-iling ng kanyang ulo habang humithit ng hawak niyang sigarilyo. “Masyado ka ng namutla sa sinabi ko, mukhang napaniwala kita.” Kita ko ang malaki niyang ngisi kahit nakatagilid na ito sa akin. Napapikit naman ako ng mariin saka ako napasandal sa hawakan dahil mukha akong mawawalan ng balanse sa kabalastugan na sinabi ni
¶ The Mafia and Citizens ¶ VI. IKAANIM CRIMSON’s PoV Nakangiti akong naghahasa ng paborito kong kutsilyo habang nakikinig ng kanta ng paborito kong type ng music, which is ang rap lalo na ang kay Eminem. Sa ganitong pamaraan ko nililibang ang sarili ko habang nag-iisip ng plano para sa mga balak o sadya kong papatayin. Hindi ko mapigilan na sumabay sa lyrics nito nang mapunta na sa chorus, napapasayaw pa ang ulo ko sa kanta. Malakas ang music dahil inilagay ko ito sa speaker na kabibili ko lang rin na talaga namang na-enjoy ko. Sa kabila ng lakas ng music na galing sa speaker ay narinig ko pa rin ang malakas na sigaw ng Doctor na ‘yon. Inis ak