Share

CHAPTER 08: The Real Score

AALIS NA SANA si Amanda pero bigla siyang hinila sa bewang ni Theo na para bang niyayakap mula sa likuran. Ramdam niya ang init ng katawan ng lalaki, maging ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.

Malakas ang aircon sa loob ng opisina ni Theo pero parang wala iyon silbi sa init na nagmumula sa katawan nila.

"A-Ano ba, Theo?" Halos pabulong na sabi ni Amanda, pilit na nagpumiglas kahit trinatraydor siya ng sariling katawan nang nagsimulang haplusin ni Theo ang katawan niya papalapit sa kaniyang dibdib.

Idinikit ni Theo ang labi sa likod ng kaniyang kaliwang tenga. Ramdam ni Amanda ang pagpaypay ng mainit na hininga ni Theo doon na siyang nagdala ng nginig sa kaniyang katawan.

Ngumisi si Theo. "Paulit-ulit ka sa pagbanggit ng divorce na 'yan, huh? Bakit? Sino na lang ang makakapag-satisfy sa 'yo sa kama kung 'di ako? Masyado kang mapagmalaki, Amanda."

Nang gumalaw muli ang isang kamay ni Theo, napunta na iyon sa kaniyang pang-upo, pumisil doon na siyang ikinakusot nang bahagya ng kaniyang damit.

Pero bago pa umabot sa loob ng palda niya ang kamay ni Theo, mabilis nang lumayo si Amanda dito at itinulak ito. Sinampal niya si Theo na siyang ikinaigting ng panga nito.

"Anong karapatan mong gawin 'yan sa 'kin, Amanda?!"

Hindi sumagot si Amanda at tumingin lamang ng masama kay Theo habang nanunubig ang kaniyang mga mata. Naiinsulto siya sa mga lumabas sa bibig nito.

"Ako na nga itong nagmamagandang loob sa 'yo para mas maging maayos ang buhay mo tapos ito pa ang isusukli mo sa akin, Amanda?! Inuubos mo ang pasensya ko sa 'yo!"

Pilit pinatatag ni Amanda ang sarili. "Theo, marahil minahal kita noon pero ngayon, natuto na ako. Hindi na ako ang kagayang noong Amanda na mabait at sunod-sunuran sa 'yo. Alam ko na ang tama at mali ngayon!"

Mabilis na inayos ni Amanda ang sarili at lumabas ng opisina ni Theo kahit nanginginig pa ang kaniyang tuhod.

"Hindi na ako gaanong katanga sa'yo ngayon, Theo," naibulong na lang niya sa sarili habang papalabas ng building.

PAGKAUWI NI AMANDA, sinalubong siya ni Sylvia na may ngiti sa labi. Pero nang makitang hindi maganda ang mood ni Amanda ay kaagad nabura ang ngiting iyon.

"May nangyari ba, Amanda?" May pag-aalala sa tono ni Sylvia.

Kaagad umiling si Amanda at kumuha ng maiinom. "Wala, Ma. Pagod lang ako," sagot niya.

Tumango si Sylvia kahit hindi siya gaanong convince sa naging sagot nito. Hindi na rin siya gaanong nag-usisa dahil baka totoo ngang pagod si Amanda. Iniba na lang niya ang usapan.

"Kumusta ang kapatid mo? Natuloy ka bang dumalaw sa kaniya?" Tanong ni Sylvia.

"Oo, Ma. Mukhang maayos naman ang lagay ni Kuya Armando doon."

"Mabuti naman kung gano'n."

"May ipinakiusap lang siya sa akin. Ipinapahanap niya si si Atty. Victor Hernaez. Ang sabi niya ay siya lang daw ang makakatulong sa kaniya para maabswelto ang kaso niya sa kulungan."

Kumunot ang noo ni Sylvia. "Atty. Victor Hernaez? Parang narinig ko na ang pangalan niya noon. Pero kung sa kaniya tiwala ang kapatid mo, edi tulungan na lang natin siya."

"Opo. Baka magpatulong na lang ulit ako kay Loreign."

Umasim ang ekspresyon sa mukha ni Sylvia. Aware naman kasi si Amanda na hindi gaanong gusto ni Sylvia si Loreign dahil sa kabilaan nitong issue bilang model. Pero hindi na lang isinaboses ni Sylvia iyon. Ipinaghanda na lang niya ng makakain si Amanda.

"May napansin ako sa 'yo lately, Amanda," ani Sylvia.

"Ano naman 'yon, Ma?"

"Parang pumapayat ka? Baka masyado mo nang pinupwersa ang sarili mo sa trabaho, ah? Uso ang magpahinga."

"'Wag kayong mag-alala, Ma. Ayos lang ako," ani Amanda at nginitian ang stepmom.

"Mabuti naman kung gano'n. At tsaka, hindi ba nag-apply ka sa training institution bilang tagaturo sa mga musician? Kumusta? Natanggap ka na ba?"

Bumuga ng hangin si Amanda. "Hindi na lang ako tutuloy do'n, Ma. Maghahanap na lang ulit ako ng ibang trabaho."

"Huh? Bakit? Anong nangyari roon?"

Hindi naiwasan ni Amanda ang pagrolyo ng mga mata. "Kagagawan na naman ni Theo. Pinagana niya ang koneksyon at pera kaya 'yung dapat na magiging offer sa akin, wala na. Pero ayos lang. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho."

Ang akala ni Amanda ay papagalitan siya ni Sylvia. Pero hindi na lang nagkumento pa ito at hinayaang makakain ng payapa si Amanda.

ISANG GABI sa rooftop ng ospital, naisipan ni Amanda ang magpahangin doon. Habang abala sa pagtanaw sa mga gusali sa ibaba, dumating bigla si Harry na nakaputing coat pangdoktor.

"Doc Harold, ikaw pala." Piniling maging pormal ni Amanda. Parang nahiya kasi siya nang huli nilang pagkakasama na tinawag niya itong Kuya. Tapos dumating pa si Theo.

Kumunot ang noo ni Harold. "Bakit ang formal mo na naman sa akin, Mandie? Kuya Harry lang ang tawag mo sa akin noong isang araw, eh."

Napaiwas siya. "Ah, pasensya na, Kuya. Syempre, doktor ka pa rin naman dito. Nakakahiya naman."

"Tss. Alam mo namang wala lang sa akin 'yon. Bakit parang nahihiya ka sa akin bigla, huh? Nasaan na 'yung batang kasama ko noon na nagtatayo ng tent sa labas ng bahay? 'Yung batang mahilig sa ice cream at cookies?" Napatawa ito. "Ah, good old days. Miss na miss ka na nga ni mommy ang kakulitan mo, eh..."

Ngumiti na lang si Amanda. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. "Kuya Harry talaga..."

"'Yan, ngumiti ka rin."

Ilang segundong katahimikan muna ang namagitan sa kanilang dalawa. Hanggang sa nagpasya si Harry na basagin iyon at may kinuha sa loob ng bulsa. Isa iyong bank card na siyang ipinagtatakha ni Amanda. Inilahad iyon ni Harry sa kaniya.

"May sapat na perang laman ang card na 'yan. Kakasya nang pampagamot sa Papa mo."

Kaagad na umiling si Amanda. "Hindi ko matatanggap 'yan, Kuya. At tsaka, kaya ko namang kumita at magtrabaho, eh."

Dumako ang tingin ni Harry sa kamay ni Amanda na puro na band aid. Nagkandasugat sugat na siya dahil sa pagpapractice ng violin at pagtutugtog sa iba't ibang event na may kahit kaunting pasahod.

"Hindi mo kailangang magtrabaho ng sobra, Mandie. 'Wag mong masyadong pinapagod ang sarili mo."

"'Wag kang mag-alala sa akin, Kuya. Kaya ko ang sarili ko. At tsaka, 24 na ako. Hindi na ako bata na laging umaasa na lang sa pamilya. Natututo na akong tumayo sa sarili kong mga paa," pag-aassure niya rito.

PAGABI NA NAMAN. Bitbit ang violin sa likuran, nanginginig si Amanda habang naglalakad sa kalsada pagkagaling sa isang raket. Tumugtog ulit siya sa isang event. Mahaba ang duration kaya nananakit din ang mga kamay niya. Pagod na rin siya kakalakad.

Habang binabaybay ang daan papunta sa sakayan, nadaanan ni Amanda ang isang open shop kung saan rinig na rinig ang malakas na volume ng TV. Hindi niya maiwasang mapatigil nang masilayan ang pamilyar na mukha sa screen.

Si Theo iyon tulak-tulak ang wheelchair ng isang babaeng pamilyar sa kaniya. Si Sofia.

Kumuyom ang kamao niya habang nakikita kung gaano ingatan ni Theo si Sofia upang pigilan ang ilang reporters sa pagdumog sa kanila. Umiiwas si Theo sa mga katanungan pero halatang gustong-gusto ni Sofia ang atensyon at nakangiti sa harap ng camera.

"Kumusta ang inattend'an niyong event ng magkasama? At ano nga ba ang real score sa inyong dalawa?"

Si Sofia ang mabilis na sumagot. "Maganda at nakakaenjoy ang event. Marami akong natutunan. At hiling ko rin na sana matuto pa ako mula sa musical genius na si Klarisse Virtucio. I'm sure naman tutulungan ako ni Theo since we're special with each other, diba?" Sinulyapan niya si Theo at ngumiti ng makahulugan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status