Share

CHAPTER 02: DONATION

Few weeks after that event, I still can't forget what happened. Remembering that moment makes my blood boil. I really hate that man so much!

“Ms. Ynna, nasa warehouse na ang lahat ng ini-order ninyo sa mga direct supplier natin.” Hindi ko namalayang pumasok pala si Maureen sa opisina ko dahil kanina pa ako nakatulala sa kawalan.

“That's good, naipa-check mo na ba kung kumpleto lahat?” tanong ko sa kaniya tiyaka ako humigop ng mainit na kape. May inabot naman siya sa aking isang listahan.

“Yes Ms. 20 boxes of noodles and canned goods, 30 trays of eggs, 20 boxes of barbie and car toys, 50 bales of clothes. Also, na contact ko na rin po ang team ng mga doctors na pupunta later to check the children on the orphanage.” Dapat sana ay magpapa-cater pa ako ngunit ang sabi ng namamahala sa orphanage ay may isang magpapa-cater na raw.

Namana ko na sa mga magulang ko ang pagdo-donate ng marami sa orphanage na iyon, isa rin kasi ito sa pinakamaraming kinukupkop na batang ulila at inabandona. Sa panahon ngayon, kaunti nalang din kasi ang gustong mag adopt.

“Anong oras ang ibinigay sa atin ng orphanage para pumunta?” tanong ko habang chinecheck ang listahan at ang mga presyo nito, kailangan ko kasi ito para ma-audit. “2pm, Ms.”

We will go to Arellano Orphanage today para mag donate. Ang Arellano orphanage ay isa sa pinakamalaking orphanage sa Pilipinas. Kung kaya naman ay marami talagang kumpanya ang nagdo-donate dito. Ang iba ay for show lamang upang makakuha ng investors. Dahil dito, nagbibigay ang mga namamahala sa orphanage ng time and date upang mas maging mas organized ang pagbibigay ng donasyon.

I checked my wristwatch, it is 9:30 palang pala ng umaga. “Alright, let's go to warehouse at 12:30pm so I can check it all by myself. Then 1:30 o 1:40pm babyahe tayo papuntang orphanage. You can take leave now.”

Nginitian ko siya, tumango naman siya at nagtipa sa kaniyang iPad. “Noted Ms. See you later,” she beamed before leaving my office.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. I feel so exhausted lately, may nalalapit kasing fashion show at isa ang YSABELLA sa napili ng Dior na lumahok sa kanilang fashion show na gaganapin sa susunod na buwan. Kaya naman sumasakit na ang ulo ko sa pag-rush sa pagpili ng models at cloth designs na gagamitin namin.

Tinitingnan ko ang bawat designs na ipinasa sa akin ng mga designers ng kumpanya ko. All of this designs are good and beautiful but I want the best to represent YSABELLA.

Bandang 12:25 pa lamang ng tanghali ay tinawag ko na si Maureen para makapunta sa warehouse. Isang malaking ngiti ang isinalubong niya sa akin. “Siguro naiisip mo si Thymoteo hano?” inaasar-asar niya ako habang nagmamaneho ako papunta sa warehouse.

“Shut up Maureen, inis na inis na nga ako kapag naaalala ko iyon.” Inirapan ko naman siya. Tawang tawa ang babaita habang iniinis ako.

“Pagpasok ko palang ng opisina mo kanina, tulala ka nang nakatitig sa kape e. Hindi mo malimutan si ‘Mr. Pogi?” sinamaan ko naman siya ng tingin. Dapat talaga ay hindi ko na kinuwento sa kaniya ang sulat. Kung hindi ko lang talaga best friend ang babaeng ito ay sinesante ko na 'to.

Dahil hindi rin naman kalayuan ang main warehouse namin ay nakarating kami agad doon. Sinalubong naman ako nang pagbati ng aking mga empleyado.

All people here are busy, some of them are packing, some of them are separating the toys. I also checked the doctor volunteers na kasama namin later. Chinecheck ko rin ang bawat quality na ipinadala sa akin ng mga suppliers ko. Sa mismong kumpanya kasi ako umoorder para magkaroon din ng discount. You know, business is business pa rin.

“Nag-rent na rin ba ng tent for the doctors?” tanong ko kay Maureen habang naglalakad ako para tingnan ang ginagawa ng bawat empleyado. “Yes Ms. Mauuna sila sa orphanage bandang 1:40pm para mag set-up ng tents.”

Malapit ng matapos sa pagpa-pack ng iba. Lahat naman ay maayos walang sira o reject. Umupo ako sa aking table at nagsulat ng saktong amount sa cheque, iaabot ko ito pandagdag sa renovation ng orphanage.

Tiningnan kong muli ang wristwatch ko, tapos na mag-ayos ang lahat. Ipinapasok na rin ng mga kargador ang bawat kahon sa truck. Bandang 1:37pm ay bumyahe na kaming muli papuntang orphanage, twenty minutes away ang orphanage mula sa warehouse.

Pagkarating ay sinalubong agad kami ni Aling Tina, ang isa sa namamahala sa orphanage. “Good afternoon Ma'am Cynnamon.” Naglapitan sa akin ang mga bata at may inabot sa aking mga rosas.

“Good afternoon, ate Ynna.” Matagal nang nagdo-donate ang pamilya namin sa orphanage na ito kaya't dati pa man binilinan ko na silang ate Ynna nalang ang itawag sa akin.

“Good afternoon po, aling Tina." Hinarap ko ang mga bata, "I wish you a peaceful and productive afternoon, kids! Excited na ba kayo sa regalo ni ate Ynna?” tanong ko sa malambing na paraan.

“Opo!” Nakakatuwa talaga ang mga batang ito.

Sinenyasan ko na sila Maureen na ipasok ang mga dala namin, ang mga bata naman ay pinapasok sa loob at pinapila. Habang nagaayos ang mga kasama ko ay may naghahakot naman sa loob, mukhang ito yung nag donate na nagpa-cater.

“How cheap.” Napalingon naman ako sa taong nagsalita sa gilid ko.

Awtomatikong kumulo ang dugo ko paakyat sa ulo ko. Siya na naman? But I just rolled my eyes and says, “Oh cheap? Bakit ka nagpapansin?” Bumalik ang tingin ko sa mga kasama kong nagbubuhat ng mga kahon.

“Come on, ganiyan ka ba mag-thank you sa tumulong sa'yo?” His lips curved into a smirk.

Sinamaan ko siya ng tingin, glancing adam's apple niya bumaba sandali bago siya ngumisi sa akin. “So tumulong ka para makakuha ng thank you? At talagang sinundan mo ako rito para lang sa thank you?" inis kong sagot sa kaniya.

“You're being delusional, I am here because I gave my donation. Maybe...you are stalking me?” He scoffed.

Ramdam ko ang pag akyat ng dugo ko sa ulo ko. Umiinit ang mga pisngi ko sa inis. “I think you have to wake up!” I glared.

He shurged in a way of teasing. “Whatever?I suggest, don't be so cheap next time. Hindi kasi bagay sayo.” He tap my head at tatawa-tawang umalis. Natanaw ko pang sumakay siya sa isang van. Bwisit talaga ang lalaking iyon, I can't believe na hanggang dito ay magkikita kami. My gosh, sinasadya na yata niya ito.

Huminga ako nang malalim dahil timping-timpi na akong hindi siya batuhin ng high heels ko. I calming myself, lumakad ako papasok sa ampunan. Sa tingin ko ay nakaayos na rin ang lahat. Ipinatawag ako sa harapan ng mga bata at binigyan ng mikropono.

“Hello mga bata, ang tagal na noong huling nakadalaw sa inyo si ate Ynna, masaya ba kayo ngayon?” nakangiting bungad panalita ko sa kanila. “Opo!” hindi sila sabay-sabay sa pag sagot ngunit nakakagaan pa rin sa pakiramdam.

Inilagay ng mga kargador ang mga laruan sa tabi ko. “Gusto kong magpasalamat sa mainit na pagtanggap ninyo sa akin dito at bilang ganti, sana ay mapaligaya namin kayo sa nakayanan ng aming kumpanya. Make sure mga bata na magpapa-check up sa doctors okay?" Tumingin ako kay Aling Tina. "Pati rin po kayo Aling Tina." Binalik ko ang mga mata ko sa mga bata. "Mamaya after ninyo magpa-check-up ay may regalo si ate Ynna sa inyo.” Nagpalakpakan naman ang mga bata na may halong sigawan.

Nagsimula muna ang mga volunteer doctors sa pag check ng kalusugan ng mga bata sa ampunan at mga namamahala rito. Kumpleto ang mga dala nilang gamit, nagpasadya rin ako ng mga vitamins at gamot na kakailanganin nila.

“Huy, ano 'yon ah? Kita ko 'yon nag-talk kayo ni ‘Mr. Pogi’” sinusundot-sundot pa ni Maureen ang tagiliran ko.

I huffed, glaring at her. “What do you mean Mr. Pogi? Baka Mr. Pogo, that creature is really getting into my nerves.” Pansin ko naman ang pagpipigil niya ng tawa.

Hindi ko nalang pinansin ang mga pang-aasar ni Maureen, tumulong ako sa iba naming kasama na ayusin ang mga food stocks sa loob ng ampunan. Sa tingin ko ay tatlong buwan din ang aabutin nito. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ng lalaking iyon. Cheap? Ako? How dare he. Porket nagpa-cater lang akala mo kung sino nang magaling.

Umabot din ng isa't kalahating oras ang pag check-up sa lahat ng mga bata. Ipamimigay ko na sana ang mga laruan ngunit ang sabi ni Aling Tina ay may inihanda raw ang mga bata para sa akin.

“Okay mga bata, ready na ba kayong ipakita kay Ate Ynna ang prinaktis ninyo ng isang linggo?” binigyan nila ako ng upuan at umikot sila ng pabilog sa akin.

“Readying ready na!” nagthumbs up pa sila at nagpalakpakan.

Isang minus one na kanta ang tumugtog. Nagsimula silang maghawak-hawak ng kamay at umugoy-ugoy. Nagsimula silang umawit, it is one of the famous song of Yeng Constantino.

Ngumiti naman ako at sinabayan ng mahihinang palakpak ang musika, tiningnan ko sila isa-isa bakas na bakas sa kanilang mukha ang kasiyahan.

If my mom is still alive, for sure she's crying dahil dito. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at vinideohan sila habang kumakanta. Ipapanood ko ito kay Auntie Lauren, I am pretty sure she will also cry. Both mom and auntie are dramatic and a softie, kaya nga raw sila nagkasundo agad noon.

Yeng Constantino's Salamat really hits different kapag galing sa puso. Pagkatapos nilang umawit ay nagpalakpakan lahat, ibinuka ko ang dalawa kong braso. Masaya naman silang naglapitan sa akin at nagpasalamat. I hope my mom and dad can see this.

“Grabe, ang heart-warming naman ng performance ninyo para kay ate Ynna. Dahil d'yan, bibigyan ko kayo ng maraming laruan. Iingatan n'yo 'yan ha?” Ang mga bata ay nagtatatalon sa tuwa.

Ipinamigay ng mga staff ko ang laruan sa bawat bata, sila mismo ang pumipili kung ano ba ang gusto nila. Kotse ba o barbie. Minake-sure ko rin na pare-parehas ang mga ito para walang mamuong alitan sa kanila.

“Naku, maraming salamat Ms. Cynnamon, sobrang napasaya n'yo po ang mga bata.”

Hinawakan ko ang kamay ni Aling Tina at ibinigay sa kaniya ang cheque na pinirmahan ko kanina.

“You're always welcome po, alam n'yo naman po buhay pa ang mga magulang ko ay paborito na namin 'tong ampunan na ito. Sana po ang mga ibinigay namin ay makatulong, pati na rin po ito sa pagpapaayos ng ampunan.”

Niyakap niya ako at paulit-ulit na nag pasalamat. Bandang ala-singko na rin ng hapon nang magpaalam kami. Hinatid pa kami ng mga bata palabas.

“Maraming salamat po YSABELLA!,” sabay-sabay nilang sigaw. Kinawayan ko naman sila at tiyaka nagmaneho pauwi. Si Maureen at ang mga staffs ko ay pinauwi ko na rin, pinabalik ko naman ang mga truck sa warehouse.

Nang makauwi ako ay sinalubong naman ako ng yakap ni Auntie Lauren. “How's your day, my dear?” nagbeso-beso kami tiyaka ako umupo sa sofa.

“It's fun po auntie, I'll send you the video later. Paniguradong iiyak ka.”

“Ikaw talaga, by the way ngayon ko lang naalala. May nagpadala sa'yo nito kanina.” Iniabot niya sa akin ang isang mukhang mamahaling paper bag. Kinuha ko naman ito at nagpaalam na aakyat na ako sa kwarto ko.

It's a tiring fun day, okay na okay sana ang araw ko kung hindi kami nagkasalubong ng mayabang na lalaking iyon.

Pumasok ako sa banyo para mag shower, hinimas himas ko ang sentido ko. Sumasakit nanaman ang ulo ko, palapit nang palapit ang fashion show ay hindi pa rin ako nakakapili ng designs.

Pagkatapos mag shower ay lumabas ako sa banyo, habang nagpapatuyo ng buhok ay kinuha ko ang paper bag para buksan. Pansin ko na may mga gold flakes na nakadikit dito, sinuri ko ito para tingnan kung kanino galing. Napasimangot agad ako pagkita ko ng laman nito.

It's my heels with a letter on it. “You forgot your heels inside my car that night drunk girl” Again, may pangalan na Mr. Pogi sa ilalim na bahagi nito. Pisteng Pogo!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status