TREXIE POV "Ano? Bakit kailangan mo pa itong gawin anak?" kaagad na tanong sa akin ni Mama Ashley ng i-open up ko sa kanya ang plano ko. Nahihiya akong napayuko. "Ma...please. Sana payagan niyo muna ako. Bago kami ikasal ni Dominic, ito na po talaga ang pangarap ko!" sagot ko Tinitigan ako ni Mama bago dahan-dahan na tumango. "Tapatin mo nga ako Trexie...may hindi ba magandang nangyari sa pagitan niyong dalawa ni Dominic kaya ka nagkakaganito?" muling tanong nito. Kaagad naman akong umiling Nandito na naman kami sa topic na ayaw ko ng pag usapan pa. Sa ngayun, ang gusto ko lang naman ay ang makalayo na lang muna para makalimot. "Kahit one year lang po Ma. Para din naman sa kumpanya ang gagawin kong ito." sagot ko. Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ni Mama bago ito sumagot. "I know..para din sa kumpanya ang gagawin mo, pero pwede naman na dito ka na lang sa Pilipinas mo ipagpapatuloy ang iyung pag aaral. Ayaw mo ba talaga kaming makasama ng mas matagal anak? Bakit
TREXIE POV Pagkasara ko ng pintuan ng kwarto, lalong nag uunahan sa pagpatak ang masaganang luha sa aking mga mata. Impit akong napaiyak lalo na ng marinig ko ang banayad na katok sa pintuan ng aking kwarto mula kay Dominic. HIndi pa rin siya umaalis at umaasa marahil siya na muli ko siyang lalabasin upang mapakingan kung ano man ang mga paliwanag niya. "Trex...please mag usap tayo! Huwag mo naman sana itong gawin sa akin....please!" narinig kong bigkas ni Dominic. Bakas sa boses nito ang lungkot kaya kaagad kong itinakip ang dalawa kong kamay sa aking tainga. Ayaw ko ng pakingan pa kung ano man ang sasabihin niya ngayun dahil mas lalo lang akong masasaktan. Ayaw ko nang maging marupok. Ilang saglit din akong nagbibingi-bingihan sa mga sinasabi ni Dominic mula sa labas ng kwarto bago ko naramdaman ang pag alis niya. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa aking kama at nanghihinang napaupo. Hindi ko alam kung hangang kailan ako masasaktan. Pilit ko naman sanang isinisiksik s
DOMINIC POV "Boss, nakaalis na po ng bansa si Mam Trexie." balita sa akin ni Ricardo. Nandito ako sa bar counter ng bahay at abala sa kakatungga ng alak. Hindi ko alam kung hangang kailan ko matatangap ang paninikis na ginagawa sa akin ni Trexie. Hirap na hirap na ang kalooban ko at dumating na ako sa punto na gusto ko na lang magmukmok buong araw para makalimutan ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Ginawa ko naman ang lahat para maging maayos ulit ang relasyon namin pero talagang sinukuan niya na ako. Tuluyan na siyang lumayo sa akin at panahon na lang siguro ang makakapag- sabi kung kailan niya ako mapapatawad sa lahat ng aking mga kasalanan na nagawa. "Ihanda niyo ang kotse. Bibisitahin ko ang father in law ko." utos ko kay Ricardo. Yumukod muna ito sa akin bago nagmamadaling lumabas ng bahay. Inisang lagok ko ang lamang alak sa baso bago ako nagmamdaling tumayo at pumunta sa garahe kung saan naka-ready na ang kotse. Ngayung araw, ikukumpisal ko sa ama ng babaeng ma
DOMINIC POV "Umalis ka na dahil kahit na ano pa ang gawin mo, kami na mismo ang hahadlang para muling bumalik sa iyo ang anak ko!" kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Papa Ryder habang sinasabi sa akin ang katagang iyun. Laglag ang balikat na naglakad ako palabas ng kanyang opisina. Hindi ko siya masisisi kung halos isumpa niya man ako ngayun. Masyado pang sariwa ang mga nangyari kaya hindi ko na muna ipipilit kong ano man ang gusto ko. Susundin ko muna ang payo ni Mommy sa akin na kailangan ko munang magpatingin sa psychologist para maagapan ang anger management issue ko. Kailangan kong baguhin ang sarili kong pag uugali para sa muling pagkikita namin ni Trexie, ibang Dominic na ang kanyang masisilayan. Lulugo-lugo akong naglakad patungong elevator. Tangap ko na sa sarili ko na galit sa akin ang lahat. Sabagay, sino ba naman ang matutuwa sa mga pinanggagawa ko kay Trexie? Lintik naman kasi...bakit ba ang tanga-tanga ko? Bakit ba kung saan tuluyan na lumayo ang loob niy
TREXIE POV 'New environment! New life!' iyan ang tumatakbo sa isipan ko habang inililibot ko ang tingin sa paligid ng unit kung saan ako pansamantalang titira habang nandito ako sa US. Malungkot akong napangiti. Kung hindi dahil kay Dominic never kung maisip na umalis muna ng Pinas. Mas gustuhin ko pa ring manatili ng Pinas at makasama lahat ng mga mahal ko sa bahay kumpara dito na alam kung simula ngayung araw, mamumuhay na akong mag isa. Inayos ko lang ang mga gamit ko bago ako nagpasyang lumabas para maghanap ng makakainan. Kailangan ko din mamili ng mga gamit sa kusina kaya alam kong magiging busy ako nito sa pagdaan ng mga araw. Nagiging maayos naman ang mga unang lingo ko dito sa US. Habang hindi pa nag start ang klase, wala akong ginawa kundi ang magkulong sa aking unit at manood ng mga movies. Sa pamamagitan nito maibsan man lang ng kahit kaunti ang pangungulila na nararamdaman ko para kay Dominic pati na din sa aking mga magulang. Isang umaga. Nagising ako na mas
TRXIE POV THREE YEARS LATER "Sure ka na ba sa desisyon mong iyan? Hindi ka na ba talaga papigil?" Kaagad na tanong sa akin ni Denise habang abala ako sa pag-iimpake ng aming mga gamit. Mamayang hapon na ang aming flight pauwi ng Pilipinas at hangang ngayun hindi ko pa rin lubos maisip na nakaya kong magtagal sa bansang ito ng tatlong taon. "Yes...kinukulit na ako nila Papa at Mama eh. Gusto na din daw nilang maalagaan ang mga apo nila." nakangiti kong sagot sabay sulyap sa dalawang bata na natutulog. Yes..sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang noong nalaman ko na nagdadalang tao ako. Mabuti na lang at sa mga panahong down na down ako ay nasa tabi ko palagi si Mama Ashley. Sinasamahan ako lalo na at pagkapanganak ko, nagsuffer ako ng postpartum depression. Mabuti na lang din at nasa tabi ko palagi ang itinuring ko ng best friend na si Denise. Isang ganap na Doctor na din ito at nakatakda din siyang umuwi ng Pinas sa susunod na lingo upang pamahalaan ang hospital na pag
TREXIE POV Pagkaapak pa lang ng mga paa ko sa lupa ng bansang Pilipinas hindi maipaliwanag na tuwa ang kaagad na nararamdaman ng puso ko. Sobrang na-miss ko ang bansang ito. Alam ko sa sarili ko na kaya ko nang harapin ang kahit na anong pagsubok ng na dumating sa aking buhay. Pinatatag ako ng mga karanasan ko pati na din ng mga anak ko. Pagkalabas pa lang namin ng airport kaagad na sumalubong sa mga mata ko ang tarpaulin na may pa-welcome na nakasulat para sa akin. Lalong lumapad ang pagkakangiti sa labi ko nang mapansin ko na hind lang sila Mama at Papa ang sundo namin kundi pati na din sila Francine at Kuya Charles. Parang gusto ko tuloy makaramdam ng hiya kay Francine. Umalis ako ng bansa noon na hindi man lang nagpakita sa kanya at grabe ang tampo nito sa akin tuwing nagkakausap kami sa telephone. Buti na lang at tinangap din niya ang mga paliwanag ko at nagiging maayos na ulit kami. "Trexie, anak...welcome back!" narinig kong bigkas ni Mama at mabilis itong naglakad pa
DOMINIC POV "Boss, ngayung nandito na sa Pilipinas si Mam Trexie, ano po ang ang gagawin namin?" tanong sa akin ni Ricardo. Siya ang tanging saksi sa mga pinagdadaanan ko nitong mga nakaraang taon kaya hindi na din iba ang turing ko sa kanya. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil palagi nitong sinisigurado ang kaligtasan ko sa lahat ng oras. Kaagad akong napasandal sa swivel chair habang hinihilot ko ang aking sintido. Sumasakit na kasi iyun dahil sa ilang gabing wala akong matinong tulog. Simula ng makita ko si Trexie at ang mga anak namin sa airport hindi na ako makatulog pa. Lalo yata akong inatake ng insomia dahil s tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ang maamong mukha ni Trexie at palaging lumilitaw sa balintataw ko. Kaagad kong naidilat ang aking mga mata at tinitigan ang picture frame na nasa harap ko. Larawan iyun ni Trexie at ng kambal naming anak. Yes...sa lahat ng mga nangyari sa buhay ni Trexie sa US alam na alam ko at dahil iyun sa tulong ng half sister