Elijah's POV4:30 pm...Kanina pa siya sa labas ng kwarto nila ni Charlotte. Ilang beses na siyang kumatok para lumabas na ito dahil aalis na sila para makipag-meet sa ob-gyn nito na nirekomenda ng kanyang personal na doctor."Charlotte! Lumabas ka na diyan, baka ma-late tayo at hindi na natin maabutan yung doctor."Bumukas naman ang pinto. Seryosong lumabas lang si Charlotte, pero napakunot ang noo niya sa itsura ng mukha nito."Sandali."Huminto ito sa paglalakad pababa ng hagdan. Lumingon sa kanya na may pagtataka na makikita sa mukha."Bakit?"Unti-unti siyang lumapit at huminto nang isang dipa ng kamay sa pagitan nila."Ano 'yang nasa labi mo?"Hinawakan ni Charlotte ang labi. "Lipstick.""Saan galing?""Sa akin bakit?"Lumingon siya kay Elisse na mataas na naman ang isang kilay."Bakit mo siya binigyan ng pang kulay sa labi?""Why not? Para naman hindi siya maputla sa tuwing aalis siya ng bahay.""May natural na pula ang kulay ng labi niya, kaya hindi na niya kailangan 'yon." H
Charlotte's POVNang muli silang pumasok sa isa pang kwarto para sa check-up sa kanya, nanghina naman ang tuhod niya sa kaba. Daig pa niya ang isasalang sa operation, kahit check-up lang naman ang gagawin sa kanya.Ngumiti ang doctor, habang naglalagay ng gloves sa kamay. "Nerbiyosa ata ang asawa mo, Mr.?""Elijah."Tinapik nito ang kulay brown na higaan. "Higa ka na dito."Hinawakan niya ang kamay ni Elijah. Napakunot ang noo nito na tumingin sa kanya.Napabuntong-hininga ito. "Doc, pakisabi naman kung ano ang gagawin sa kanya. Baka bigla na lang siyang mawalan ng malay dahil sa takot."Napangiti naman ng malaki ang doctor. "Titingnan ko lang kung meron nga bang baby na naglalangoy sa tiyan mo. Mas masaya sana kung maririnig mo na ang heartbeat ng baby mo, pero hindi pa sa ngayon. Ilang weeks pa bago natin marinig 'yon.""Sumunod ka na lang Charlotte, para makauwi na rin tayo kaagad."Lumakad siya at umupo sa higaan. Dahan-dahan siyang humiga at ang doctor na ang nagtaas ng damit niy
Charlotte's POVMuli siyang tumingin sa kuya niya na hindi na sila tinapunan pa ng tingin ni Elijah."Mag-dinner muna ba tayo, o sasabihin niyo na ang gusto niyong sabihin na mag-asawa?" panimulang saad ng mommy niya.Ngumiti naman siya at hinawakan ang kutsara. "Kain muna tayo Mom, mas maigi na tapos na tayong kumain bago ko sabihin, baka kasi nawalan kayo ng gana."Nagsalubong ang kilay ng magulang niya. "Bakit naman kami mawawalan ng gana? Kahit ano pa 'yan ay okay lang sa amin anak." Ani ng kanyang mommy."Doon na lang tayo mag-usap sa living room, pagkatapos nating kumain," na sabi na lang niya."Okay."Nagsimula silang kumain habang nag-uusap ang magulang niya na bahagyang mahina at sila lang na dalawa ang nakakarinig ng malinaw. Habang sila namang tatlo ay tahimik lang na kumakain. Kahit isang salita wala siyang narinig mula sa kuya niya, pokus lang ito sa pagkain hanggang sa matapos ito.Lumipas ang ilang minuto na lahat sila ay tapos na sa pagkain, kaya pumunta na rin kaagad
Venus POVInisang lagok lang niya ang alak na nasa baso, saka marahas na pinatong ulit 'yon sa lamesa. Narito siya ngayon sa isang bar para uminom ng alak, dahil ilang araw na niyang hindi nakikita si Elijah. Hindi na rin siya makapasok sa kumpanya nito dahil ban daw siya doon sa hindi niya malaman na dahilan."Easy lang sa pag-inom. Hindi ka isang prinsesa na may darating na prinsipe para iuwi ka sa bahay mo," saad ng kaibigan niyang si Sandra."Hayaan mo ako, mainit ang ulo ko ngayon.""Bakit ba kasi?"Nagsalin siya ng alak sa baso niya at ininom muna 'yon bago sagutin ang tanong ng kaibigan niya, "Si Elijah kasi.""Ano?""Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Ban pa ako sa kumpanya niya, hindi ako pinapapasok ng mga guards kahit anong pilit ko.""Tsk. Kulit mo kasi, sinabi naman niyang ayaw na niya 'di ba? Pag-ayaw na, huwag mo ng ipilit!"Nanlisik ang mga mata niyang habang pinapaikot ang baso na may laman na alak at yelo."Ayoko. Matagal na kaming magkaibigan at ang ginagawa na
Elisse POVHabang pababa siya ng hagdan, napansin niya na may babae na nakatayo sa sala, hindi naman si Charlotte 'yon dahil kabisado niya ang pigura, at isa pa, wala pa siyang naririnig na ugong ng kotse na pumasok sa loob ng bakuran kaya nagtaka siya kung sino, pero nang nag-side view ang babae ay doon napakunot ang noo niya dahil kilalang-kilala niya kung sino ang babae.Magkaharap na sila ngayon habang siya ay nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay."Walang party dito. Sa itsura mo mukhang galing ka pang bar."Tumaas din ang kilay nito, at maarteng tumingin sa kanya. "None of your business. Nasaan si Elijah?" Luminga-linga ito sa paligid."Wala rito si Elijah, excuse me rin, dahil may pakialam ako sa business mo dahil dito ka pumunta.""Bahay 'to ni Elijah, puwede akong pumunta rito anytime I want."Napangisi siya. "May permiso ka ba sa may-ari? As far as I know, hindi naman sinabi ni Elijah ang bahay na ito sayo, so paano no nalaman? Nag-hire ka ng expert para matunton ang ba
Charlotte's POV Kanina pa siya nakaupo sa lumang upuan sa isang maliit na kwarto rito sa likod ng bahay ni Elijah. Parang storage room na puro panglinis sa labas ng bahay. Nagtaka nga siya kung bakit pinapunta siya rito ni Elijah no'ng una, pero nagbigay naman ito ng dahilan sa kanya. Ang kotse pala sa labas na hindi familiar sa kanya ay isa sa tauhan nito sa kumpanya, kaya kailangan niyang magtago. Napatampal siya sa binti niya nang may isang lamok ang dumapo, maraming lamok dito sa labas.Tumayo siya at sumilip sa labas. Wala pa siyang nakikita na papunta rito para sabihan siya na pumasok na ng bahay. Ang tagal ata nung tauhan ni Elijah sa loob?Uupo sana ulit siya, pero biglang bumukas ang pinto. Lumingon siya at nakitang si Elijah iyon na may pawis pang pumatak sa gilid ng pisngi nito.Kumunot ang noo niya. "Ayos ka lang ba? Tumakbo ka ba papunta rito?"Umiling naman ito sa kanya saka lumapit. "Sorry kung natagalan."Maliit naman siyang ngumiti. "Ayos lang naman." Tumitig ito sa
Charlotte's POV Ngumiti lang siya kay Elisse at hindi na sumagot pa. Nagmamadali na rin naman si Elijah dahil gabi na raw at kailangan na rin nilang maka-punta roon para tuluyang makapag-pahinga.Nakarating na sila sa sinasabing bahay ni Elijah. Hindi ito malaki, puwede na para sa dalawa kung titingnan sa labas, pero hindi niya alam kung ano ang itsura ng loob dahil nasa labas pa sila, baka mas maluwang kung makikita niya."Here's the key. Buksan mo aqg main door, bubuhatin ko lang ang mga maleta. Mauna ka na ring pumasok sa loob."Kinuha niya ang susi at lumapit sa pinto ng bahay. Nang nawala na ang lock ng pinto ay dahan-dahan niya itong tinulak at kinapa ang switch ng ilaw sa gilid. Umikot ang mata niya sa loob. Tama nga ang hinala niya na pang dalawang tao lang ang puwedeng tumira rito, kaysa doon sa mansion ni Elijah na malaki at kahit Ilan pa ang katulong nito ay maluwang pa. "Nagustuhan mo ba?" Lumingon siya kay Elijah habang binababa nito ang maleta sa isang gilid. "Maliit l
Charlotte POVNapakunot ang noo niya nang may bagay na humahaplos sa kanyang pisngi. Unti-unti siyang dumilat, at si Honey agad ang bumungad sa kanya. Nakaupo ito sa dibdib niya habang ang buntot nito na gumagalaw ay umaabot sa pisngi niya, kaya pala gumagalaw, buntot pala nito.Tumingin siya sa balcony na nakahawi na ang kurtina. Umaga na pala, parang nagtulug-tulugan lang siya kagabi, nagtuloy-toy na pala. Tumingin siya kay Honey na hindi pa rin umaalis sa ibabaw niya."Nasaan ang amo mo? Hindi ka ata nakasunod sa kanya?"Hindi siya nito pinansin. Nakatingin lang ito sa itaas, dahil may butiki. Napangiti siya ng maliit. Bumangon siya, kasama na si Honey. Binuhat niya ito na parang baby. Wala si Elijah sa kwarto, kaya bababa na siya para tingnan kung nandoon ba ito. Inaantok pa siya habang naglalakad pababa, pero napatigil rin nang nakasalubong niya si Elijah na may dalang pagkain."Gising ka na pala."Tumingin siya sa hawak nito. "Sa taas ka kakain?"Tumingin muna ito sa hawak bago