Chapter 6
Wow, ito pala ang opisina ng mahal ko! Malinis, maayos at mabango. Pero kahit nandito ako ay hindi manlang ako magawang pansinin ni Brielle. Nakikipag-usap lang siya sa mga kasamahan niya habang ako ay nakaupo lang at naghihintay ng atensyon. Nakatitig lang ako sa maamo nitong mukha. Mukhang inosente, pero marami siyang nalalaman tungkol sa mga kagaya ko.
Hindi ako aalis dito hangga't hindi siya nakakauwi, in short ay babantayan ko siya.
"Pwede ka nang umuwi Caden." seryosong sabi ni Brielle sa akin.
"Today is my boyfriend duties." tugon ko.
Tinukso na naman siya ng mga kasamahan niya.
"Boyfriend? Asa ka, Caden Rhett." pagsusungit ni Brielle sa akin.
"Tutal nandirito ka rin lang naman, pwede ba kaming magtanong sayo?" saad naman ng kaniyang kasama.
Tumango lang ako.
"By the way, I'm Grace." kinamayan niya ako.
Wala nang magawa si Brielle dahil nagkaroon ako ng dahilan para mag-stay dito sa kaniyang opisina. Nakakatawa yung reaksyon niya.
"If you don't mind, ano'ng skin care mo?"
Narinig ko ang pagtawa ni Brielle, napalingon naman ako agad sa kaniya. Funny question from a funny woman. Tss! Palibahasa mas maganda ang kutis ko sa kaniya.
"Enough sleep, proper diet, at hindi rin ako tsismoso." sarkastiko kong tugon.
Nagulat sila sa aking pagsagot. Hindi na ako naghintay ng susunod pang mga katanungan dahil medyo nainis ako, so I decided to leave their office. Bago pa ako tuluyang makapasok sa elevator ay dumating si Brielle at hinawakan ang braso ko.
Nakatingin lang ako sa kaniya.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Pasensya ka na sa sinabi ng kaibigan ko. Hindi ka naman mabiro." sabi ni Brielle na medyo natatawa pa.
"Ako yung tipo ng tao hindi mo basta-basta mabibiro hangga't hindi pa tayo close. Naiintindihan mo ba ako, Brielle?" seryoso kong sabi sa kaniya.
Napabitaw siya at napaatras dahil nag-iba na naman ang timpla ng mood ko, my eyes turns into red color. Ang ayaw ko talaga sa lahat yung pinapahiya ako without knowing my real identity.
Tuluyan na akong pumasok sa elevator at hindi na ako muling pinigilan ni Brielle.
****
|Brielle's POV|
Hays! Nakakatakot si Caden. Akala ko kung saan na naman niya ako dadalhin kanina. Kasalanan 'to ni Grace e, pati kasi skin care tinanong pa niya. Nakaka-offened nga naman talaga 'yon para sa isang lalaki. Pero okay na rin para mawala na ang nangungulit sa akin.
Back-to-work. Nagpunta ulit kaming tatlo sa presinto para bisitahin si Leo. And as usual, dala namin yung device to record everything. Hindi pa kami nakakapasok sa selda ni Leo ay tumambad kaagad sa amin ang mga nabubulok na patay na ibon.
"Sir, ano po ito?" tanong ko sa pulis na kasama namin.
Argh! Ang baho naman.
"Habang tumatagal ay palala nang palala ang sitwasyon ni Leo. May mga ibon na dumadapo sa bintana ng kaniyang selda, ayon sa mga nakakakita ay dinudukot nito ang mga puso ng ibon at kinakain ng sariwa. Hindi namin alam kung saan dapat siya dalhin, may mga araw kasi na normal siya." saad ng pulis.
Naabutan namin si Leo na nakaupo sa isang tabi at tila may kinakausap. Heto na naman ang dibdib kong kabado.
"H-Halimaw! Parating na sila, sasakupin ang mundo ng mga tao!"
"OMG! Hindi maganda ang naidulot sa kaniya ng sitwasyon niya." saad ni Grace.
"Pero kailangan niyang pagbayaran ang mga ginawa niya." sabi naman ni Rex.
Nasa tapat na kami ng kaniyang selda. Dahan-dahan na tumingin si Leo sa akin, mabilis siyang tumakbo at hinila ang collar ng damit ko. Pilit siyang inaawat ng mga kasama ko.
"Layuan mo siya! Huwag kang magpapadala sa mga mabulaklak niyang salita!"
Tinulak niya ako. Aaminin kong may katotohanan ang lahat ng sinasabi ni Leo, pero hindi ako makagawa agad ng aksiyon dahil binabantayan ako ni Caden. Paano ko siya matutulungan? Paano ko maibabalik ang normal niyang pamumuhay? Nakakaawa na ang kalagayan niya.
Pinalo siya ng mga pulis para tumigil sa pag-aamok.
"Brielle, kailangan natin tumawag ng paranormal expert." sabi ni Rex.
Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Pinagpapawisan ng malala si Rex, namumutla siya. Nag-panic kami ni Grace. Okay naman siya kanina, pero nakapagtataka lang na biglang sumama ang pakiramdam niya.
Nagtungo muna kami sa lobby para bigyan siya ng paunang lunas.
"H-Hindi ako makahinga n-ng maayos." hirap siyang magsalita.
What is happening?! Minabuti kong ipadala na si Rex sa ospital para mas maagapan ang kaniyang kalagayan. Isa lang naman ang pwede kong sisihin sa nangyayari ngayon, walang iba kung si Caden Rhett.
Umalis muna ako saglit para magpunta sa Amazing Wines, pero wala si Caden at tanging si Charlene lamang ang nandito. Pupunta ako sa mansyon nila! Ito na nga siguro ang tamang panahon para i-open ko sa kaniya ang lahat. Sasabihin ko na kay Caden ang lahat ng gusto kong sabihin. Para rin ito sa kaligtasan ng mga tao na nasa paligid ko.
Buong tapang ako nagmaneho papunta sa gubat kung saan matatagpuan ang mansyon ng mga halimaw at demonyo. Naglakad ako nang naglakad hanggang sa narating ko ang malaking gate ng Red Mansion.
This is it.
Huminga ako ng malalim. Sinipa at binato ko ng malalaking bato ang gate. Iniluwa ng malaking pintuan si Caden na half-naked. Nakatitig lang siya sa akin habang nagwawala ako rito sa labas.
"Lumabas ka dyan!" malakas kong sigaw.
Pilit kong binubuksan yung gate.
"Caden Rhett, lumapit ka rito! Mag-usap tayo!"
Laking gulat ko nang makita kong nakatayo si Caden sa harapan ko. Kulay pula ang kaniyang mga mata, pawis na pawis. May bloodstain pa ang kaniyang pisngi. Sinampal ko ang kaliwa niyang pisngi.
"Sinasabi ko na nga ba." inis kong sabi.
"Bakit nagpunta ka rito? Ano'ng kailangan mo? Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko." seryoso niyang sabi.
Hindi ko siya pinakinggan, at lalong hindi ako nagpasindak sa kaniya. Sino ba siya para katakutan ko? Isa lang siyang hamak na demonyo't halimaw na kaya kong patayin! Oo, normal akong tao pero kaya kong talunin ang gaya niya.
Caden is just a vampire.
Maraming tinuro at sinabi si Papa sa akin tungkol sa kanila.
"Saktan mo ako kung gusto mo, patayin mo ako, kainin mo ako. 'Yan naman ang gawain ninyong mga halimaw 'di ba?" sabi ko.
Nagsalubong ang kaniyang kilay.
"Brielle, sobrang importante ka sa akin. Huwag mo nang ubusin ang pasensya ko. Umalis ka na!" tinulak ako ni Caden.
Tss! Nagbabait-baitan pa. Alam ko namang takam na takam na siya sa akin.
"Go on, Caden. Eat me." sabi ko habang hinuhunad ang t-shirt na suot ko.
Nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis niya akong niyakap. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan. Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang aking luha.
"I can't, because I love you."
Pumiglas ako mula sa pagkakayakap niya.
"I don't believe you! Pinapaikot mo lang ako kasi gusto mong makuha ang tiwala ko. Tapos ano? Bigla mo na lang akong papatayin kapag magkasundo na tayo." galit kong tugon.
Tinakpan niya ang mga mata ko. Hindi ko alam ang nangyayari, basta't nararamdaman ko lang na yakap-yakap ako ni Caden. Maya-maya pa ay nakarating kami sa isang bahay. Maganda ang interior, malinis. Nasaan na naman ba kami? Ano na namang binabalak niya?
Napansin ko rin na suot ko na ang damit na hinubad ko kanina. Nakatayo si Caden sa harapan ko, hindi siya kumikibo. Sinubukan ko namang tumakbo papunta sa maindoor, pero naka-lock ang pintuan.
"Palabasin mo ako." mahinahon kong sabi.
"Gaya ng sinabi ko, mahal kita." tugon niya.
"Ano naman? Wala akong pakialam." sabi ko.
Bumalik sa itim ang kulay ng kaniyang mga mata. Ibig sabihin nito ay mahinahon na si Caden. Lumapit ako sa kaniya.
"Ano ba kasing gusto mo? Pati mga tao sa paligid ko nadadamay. Bakit nagkakaganun si Leo? Ano'ng ginawa ng pamilya mo sa kaniya?" tanong ko kay Caden.
"Nararapat lang 'yon sa kaniya." sabi ni Caden habang nakatitig sa akin.
"Nakakaawa na siya. Please Caden, ibalik mo na sa normal ang lahat." pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Maibabalik ko lang 'yon kung papayag kang mag-stay dito kasama ako." sabi ni Caden kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha.
Ano? Hindi pwede! Mag-aalala sila Mama at Papa sa akin.
"Ayoko." sabi ko.
Hinila ako ni Caden papalapit sa kaniya at mabilis na sinunggaban ang aking labi. Mahigpit na hinawakan ni Caden ang mga braso ko, tinutulak ko siya pero masyado siyang malakas.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Ano ba?!" malakas kong sabi.
Hindi niya ako pinansin at umalis siya. Naiwan akong mag-isa dito sa bahay. Ano naman ang gagawin ko rito? Nasaan ba kasi kami? Buti na lang at dala ko ang bag ko. Pero lowbatt ang cellphone ko at hindi ko alam kung saan ako pwedeng mag-charge.
Nagpunta ako sa kitchen area, kumpleto ang gamit. Una kong binuksan ang malaking refrigerator, bumungad sa akin ang maraming pagkain at inumin.
"Wow, heaven!" namamangha kong sabi.
Kumuha ako ng pineapple juice atsaka ko itinuloy ang pag-iikot sa bahay. Sunod kong pinuntahan ang mini library. Hindi ko alam na nag-eexist pala ang bahay na ito.
E kanino ba kasi 'to?
Ano'ng lugar 'to?
Malapit ba 'to sa siyudad?
"Nagugustuhan mo na ata rito."
Napalingon ako sa aking likuran. Nakakagulat naman ang isang 'to. Teka, pamilyar siya sa akin! Oo, tama, siya yung lalaking lumaban kay Caden para makatakbo ako at makatakas.
"Nakalimutan kong magpasalamat sayo." sabi ko.
"Wala 'yon. Atsaka hindi ko rin naman napuruhan si Caden." natatawa nitong tugon.
Niyaya ko siyang magpunta sa sala para doon ituloy ang aming pag-uusap.
"Ako nga pala si Kent Frayler, best friend ni Caden." nakipag-kamay siya sa akin.
Kent looks like an ordinary person. His eyes was black, hindi siya kaputian gaya ni Caden at ng buong pamilya nito. Mukha siyang mabait, at normal lang din ang pakiramdam ko kahit magkalapit lang kaming dalawa.
Totoong bampira ba siya?
Half human?
Ano ba talaga siya?
~
🖊 author_mj
Chapter 7|Kent Frayler's POV|Hindi magiging magulo ang buhay ko kung hindi pinairal ng mga magulang ko ang pagiging hapit sa pera. Business partners ang mga magulang namin ni Caden, pero magkaiba kami ng lahi. We're humans, and they are vampires. Oo nakakatakot, pero wala naman silang masamang ginawa sa amin.Hindi nila sinaktan ang mga magulang ko, pero pinilit ni Tita Amanda na maging kalahi ko sila dahil ako ang nakatadhanang ikasal kay Charlene. Masakit sa kalooban kong namatay ang parents ko ng wala ako sa tabi nila. Nalugi ang negosyo nila kung saan nag-share ang Rhett Family ng pera, at upang mabayaran nila Mommy at Daddy ang kanilang utang ay pinasalinan ako ng dugo ng mga bampira. Kasama sa ginawang ritwal ang pagkagat ni Charlene sa aking leeg.Pero habang tumatagal at habang tumatanda ako ay maraming bagay akong naiisip. Una, hindi ito ang mundo na para sa akin. Pangalawa, hindi ako kagaya nila. At pang
Chapter 8Sa wakas ay nagkaroon na ng malay si Brielle at kasalukuyan siyang nagpapahinga sa kwarto ko. Buti na lang at nahabol ko rin ang last shoot kaya wala na akong dapat problemahin. Sa ngayon ay iintindihin ko muna ang kalagayan ni Brielle, namumula ang leeg niya at medyo hirap pa siyang huminga. Kaya naisip ni Daddy na bumili ng personal oxygen para sa kaniya.Natutulog pa si Brielle, pero stable na ang lagay niya ngayon. Masama lang ang loob ko dahil naabutan siya ni Leo at umabot pa sa ganitong punto."Sinabihan na kita Charlene. Bakit mo kasi siya iniwan?" inis kong sabi sa aking kapatid."Hindi ko naman ineexpect na maaabutan siya ng murderer doon! Wala akong kasalanan sa nangyari Caden." katuwiran naman niya."Kahit mag-away pa kayong dalawa diyan, wala na kayong magagawa dahil nangyari na." sabi naman ni Daddy sa amin.Correct
Chapter 9|Caden's POV|Nakatayo ako malapit sa bahay nila Brielle at pinapanood si Leo kung paano siya makakapasok sa loob nito. Tama si Brielle, idadamay nga ng lalaking ito ang kaniyang pamilya. Masama ang epekto sa kaniya ng banal na dugo ng aking Lola Amira. Kaya't mas naging halimaw pa siya sa amin.Bukod pa rito, nananatili siyang may dugong tao kung kaya't iba talaga ang epekto sa kaniya. Tinititigan ko lang si Leo at inaabangan ang mga susunod niyang gagawing. Panay ang silip niya, at pilit nitong binubuksan ang gate.May lumabas na babae, sa tingin ko ay nanay 'yon ni Brielle. Bago pa man siya makalapit kay Leo ay mabilis ko na itong pinigil. Nagtangka siyang itulak ako, pero pinilit ko siyang labanan. Pinaulanan ko ng suntok si Leo, panay naman ang sigaw ng nanay ni Brielle."Umalis na po kayo rito!" sabi ko sa kaniya.Nagtaka naman siya at nakatitig
Chapter 10Dahan-dahan kong inikot ang door knob, sobrang kinakabahan talaga ako. Binuksan ko na ng tuluyan ang pintuan, si Charlene pala. May dala siyang mga damit at binigay ito sa akin."Naglinis kasi ako, sa tingin ko naman ay magagamit mo ang mga 'yan." sabi nito."S-Salamat." nginitian ko siya.Hindi naman siya nagtagal at umalis din. Muli kong ni-lock ang pintuan. Akala ko may nakahuli na sa akin, buti na lang hindi si Caden yung kumatok.Itinuloy ko ang pagtingin sa mga dokumento na nakuha ko. Bukod sa passbook ni Leo at sobre, mayroon ding maliit na notebook. Una kong binuksan ang selyadong sobre na nakalakip sa mga dokumento ni Julieta."P-Pera?" binilang ko pa ito.Pera. Madaming pera. May sulat sa likod ng sobre.'Julieta; Maraming salamat sa pagsisilbi mo sa amin. Maligay
Chapter 11Nagpatuloy ako sa paghahanap ng biktima. Kung saan-saan na ako napadpad, at sa tingin ko'y benteng babae na ang nakuha namin. Sapat na bilang na 'yon ngayong araw, kaya babalik na ako sa venue ng interview.Kasalukuyang sumasagot ang aking anak sa mga tanong na ibinabato sa kaniya. Naupo ako sa gilid, pinanood ko lang siya."Bukod sa pagiging businessman, ano pa ba ang iba mong gustong propesyon? Pwede kang mag-artista."Napangisi akong mag-isa. Pinoprotektahan ko ang totoong pagkatao ni Caden dahil ayaw kong maging sentro na naman siya ng pangungutya at issue. Minsan nang nasangkot sa bullying ang anak ko, at hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit 'yon.Kahit sadista at strikta akong ina, sobrang mahal na mahal ko sila Charlene at Caden. Ginagawa ko lang naman ang mga bagay na ito upang mas mahubog sila bilang bampira. Gusto ko silang maging malakas at matapang, dah
Chapter 12|Caden's POV|"Hindi pa ba sapat 'to? Benteng babae na ang napatay natin." sabi ko."Hindi ko rin alam." tugon ni Mommy.Napaupo ako sa sahig habang pinagmamasdan ang aking ina na isinasalin ang mga dugo sa isang lagay para sa gagawing ritwal upang muling mabuhay ang Lolo't Lola ko.Pero matapos ang ritwal na ginawa ni Mommy, wala namang nangyari. Nanatili silang nakahimlay at hindi nabuhay. Walang gana akong lumbas ng kwarto at nagtungo sa sala."Yaya, paki-linis ang kwarto nila Lola." utos ko kay Yaya Neri.Naupo ako sa sofa. Akala ko epektibo ang ideya ni Mommy. Gusto kong maiyak, gusto kong magalit, pero wala pa rin naman akong magagawa kung nakatadhana na talaga silang mamatay.Teka—Nakalimutan kong balikan si Brielle s
Chapter 13Isang araw na ang nakalipas magmula nang magkasagutan kami ni Charlene. Sa tuwing papasok siya rito sa kwarto upang maghatid ng pagkain ay nag-iiwasan kaming dalawa. Hindi ko naman ginusto yung nangyari, nabigla lang ako dahil sabik na talaga akong makita sila Mama at Papa.Baka sobra na ang pag-aalala nila sa akin. Halos hindi ko magalaw ang pagkain na inihanda nila para sa akin. It's three-layered pancake topped with strawberry syrup. Red? Tss! Ang hirap magtiwala sa kanila pagdating sa pagkain. Mayroon ding strawberry juice na tila nakapagtataka rin ang pagkakatimpla."Brielle." bumukas ang pintuan."Yaya Neri." tumayo naman ako upang salubungin siya.May dalang mga damit si Yaya Neri at mukhang bagong laba."Pinalabhan ni Sir Caden ang mga damit mo, nag-bilin din siya na pwede kang gumala
Chapter 14|Caden's POV|Hindi ko ginusto ang mga nangyari, hindi ko rin kontrolado na nakita ni Brielle ang ulo ng kaniyang Papa. Wala akong magagawa, dahil hindi ko hawak ang buhay ng bawat isa. Kaya minabuti kong dalhin si Brielle sa pinagtataguan ng kaniyang mga magulang. At hindi ko inaasahan na mangyayari na pala ang oras ng kamatayan ng kaniyang Papa.Habang nag-uusap ang mag-ina ay sinundan ko kung saan naganap ang insidente. Umuulan ng malakas, madulas ang daan. Walang kontrol sa pagmamaneho ang driver kung kaya't bumangga sila sa isang poste dahilan upang humampas ang ulo ni Mr.Mendoza, duguan ang dalawang biktima.Gustuhin ko mang buhayin siya, pero hindi ko naman 'yon kayang gawin. Nagkakagulo sa lugar na pinangyarihan ng aksidente, may mga pulis, imbestigador at ambulansiya. Nakatitig lang ako sa kaawa-awang lalaking naliligo sa sarili niyang dugo habang hawak ang litrato ni Brielle noon