“This time you need to process the bills and expenses. Did you get it?” iyon agad ang bungad sa akin ni Sir Zayne pagkarating ko, siya pa rin ang unang nakapasok kaysa sa akin.Buti na lang ay maaga akong nakapasok, akala ko talaga ay ma-l-late naman ako. Buti na lang mas maaga akong ginising ni Kylie, siya naman kasi ang mag-a-apply ngayong araw. “P’wede magtanong, Sir Zayne?” pagkakuwa’y wika ko sa kaniya habang nag-l-log ako ng mga bills.“Nagtatanong ka na,” simple n’yang sagot na nakatutok sa laptop niya na ‘di man lang ako tinignan.“Umuuwi ka pa ba Sir sa bahay niyo?” hinayaan ko na lang ang pagpipilosopo niya, nagtanong na lang ako.“Ano pang purpose ng bahay kung hindi uuwian,” sagot n’yang muli na ‘di pa rin ako nililingon. Patuloy lang siya sa pag-scroll ng mouse na diretso ang tingin sa monitor ng laptop niya.“P’wede ba akong pumunta sa bahay niyo?” request ko sa kaniya, this time tumingin na siya sa akin.“W-What? Ano namang gagawin mo ro’n. I don’t bring ladies in my h
Hindi na ako nagreklamo pa. Una, ako naman talaga ang nagsabing gagawin ko lahat huwag niya lang ako alisin. Pangalawa, ako rin ang may kasalanan kung bakit nawala ang report niya.Pasalamat nga ako’t iyon lang ang ginawa niya, hindi kasi talaga ako p’wedeng matanggal dito. Hindi pa.“P’wede ba muna akong umuwi sa bahay, Sir?” nagbabaka-sakaling tanong ko sa kaniya habang inaayos ko ang mga papel sa ibabaw ng mesa niya.“Hindi na kailangan,” sagot naman nito.“Okay,” iyon lang ang sinabi ko at nagpatuloy na ako sa ginagawa ko. Uuwi lang naman napakadamot, hmp!“Eto bahay mo?” pagtatanong ko sa kaniya ng tumigil ang sasakyan niya sa isang malaking bahay sa loob ng village. Ano pa bang ine-expect ko sa kaniya? Malamang gan’yan kalaki bahay n’yan. Alangan namang tumira iyan sa barung-barong o kaya sa pinagtagpi-tagping yero. Minsan talaga may pagka-Made na rin ako, eh. Kailangan ko na sigurong huwag dumikit do’n parati, baka kapag kinatagalan ay pareho na kami. Shocks, I can’t!“Obvious
Natagalan siguro s’yang patulugin si pencil dahil anong oras na hindi pa siya nakakababa, inabot na siya ng ilang minuto siguro’y kalahating oras na rin ‘yon.Aakyat na sana ako ulit para alamin kung ano na ang nangyayari kaya lang nakita ko na s’yang pababa sa hagdan kaya naupo na lang ulit ako.Napansin ko kaagad na pawis na pawis siya, “Nahirapan ka ba’ng patulugin si pencil? Ba’t parang pinagpawisan ka masyado?” nagtataka kong tanong habang pinagmamasdan ko ang mukha n’yang may mga butil ng pawis.“Y-yup! Ayaw n’yang kumalma, eh,” sagot niya na malayo ang tingin, napansin ko pa ang pamumula ng mukha niya.“Paano mo napatulog?” tanong kong hinuhuli ang paningin niya pero huli na dahil tumungo na siya sa center table para ilapag ang bitbit n’yang laptop at mariin s’yang naupo sa sofa kaharap ng laptop.“Kailangan ko pang i-stroke pababa’t pataas hanggang sa mapagod siya kaya ayon naglabas din siya ng pawis. Saka pa lang siya nanlambot, dahil do’n tuluyan na s’yang nakatulog,” pagpap
“Puwede rin namang si Zayne na lang. Magpapakalayo pa ba ako? Eh, mayroon namang mas madali at malapit,” dagdag ko pa. Ganito ata talaga ako kabangag pagkagising. “Pero ayaw ko pala sa kaniya dahil sa kadamutan niya. Gusto ko lang naman makita si pencil, kahit ‘yon lang ay pinagdadamot niya pa sa akin. Paano na lang kapag pumatol ako sa kaniya tapos magiging mag-asawa kami baka pagdamotan niya pa akong magkaanak.“Hey, wake up!”“Yes, baby. Nand’yan n-opo, Sir!” nabigla ako sa sinagot ko, paano ba naman ay nag-d-day dreaming pa ako bigla na lang s’yang kakatok tapos magsisisigaw. Nadulas tuloy ang bibig ko, wala pa naman ‘tong kapreno-preno.Kumakamot ako sa mata ng buksan ko ang pinto, nakita ko naman kung paano siya magpigil ng tawa.“A-Anong n-nakakatawa, Sir?” nag-aalangang tanong ko sa kaniya pero may hint na ako, narinig niya kaya ‘yon?“Nothing,” simpleng sagot niya na iminuwestra niya ang kamay papunta sa hagdan, pinapauna niya akong bumaba, iyon siguro ang ibig-sabihin niya.
Ngayong araw din pala mag-a-apply si Cali sa napili n’yang kompanya, nagsipag-alisan na rin sina Ele at Kylie maliban kay Made, siya lang pala ang maiiwan dito sa bahay.Pagkaraan ng isang oras ay natatapos pa lang akong mag-ayos sa sarili ko. Pagkalabas ko ng bahay napahinto ako ng maalala kong nasa kompanya nga pala ang kotse ko. “Hala! Oo nga pala!” nang maalala kong hindi pala ako sumakay sa kotse ko papunta sa bahay nila Zayne, mayroon naman kasi akong kotse bakit ‘di na lang ako sumakay do’n pagpunta ko sa bahay ng sungit na ‘yon. Anong gagawin ko ngayon?“Oh, ba’t bumalik ka? May nakalimutan ka ba?” tanong sa akin ni Cali na ngayon ay nagsusuot ng high heels niya.“Waaaah! Iyong kotse ko naiwan sa kompanya!” sumbong ko pa.“Oh? Really? Eh di, maganda!” sagot pa nito. Ano raw? Ayos lang sa kan’yang wala akong kotse? Paano ako makakapasok nito?Kinunutan ko naman i’ya ng noo, “Anong maganda ro’n? Paano ako papasok, aber?”“Mag-c-commute tayo!” masaya pang sagot niya na kinuha ang
Natapos ang buong maghapon na iyon ay hindi pa rin niya ako pinapansin, hindi ko na lang siya ginulo dahil mukhang abala siya at abala din naman ako.Kinabukasan ay gano'n pa rin ang nangyari, pagkapasok ko ay naroon na siya sa loob ng room niya kahit sulyapan man lang ako ay hindi niya ginawa. Pinabayaan ko na lang siya kung wala s’yang balak pansinin ako, e ‘di don’t. Akala naman niya pipilitin ko siya, Tss. Ang problema nga lang parang wala na talaga akong pag-asa na makita si pencil.“Sorry, pencil. Mukhang wala na yata tayong pag-asa na magkita pa,” pagkausap ko sa sarili ko, nakatayo ako sa harapan ng sliding door papasok sa room ni Sir, wala man lang talaga s’yang balak na tignan ako, kunot-noong nakatitig siya sa monitor ng laptop niya, ang aga-aga ay abalang-abala na agad siya.Tutungo na sana ako sa table ko ng may biglang kumatok. Napatingin ako kay Sir Zayne baka sakaling utusan niya akong pagbuksan ‘yon, tumingin naman siya sa akin saglit bago siya tumayo at naglakad. Nap
Warning: This part are not suitable for young readers and sensitive minds. It contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that maybe offensive or disturbing to some readers. You have been warned.Pero dahil hindi ka na inosenteng bata ka't matigas ang ulo mo, babasahin mo pa rin. Basta bawal, nagwarning na ako. Sa inyo na 'yan kung susundin niyo o hindi.'KAPAG MAY WARNING, MAS EXCITING!'•••"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot-noong pagtatanong ko sa kaniya."Stop asking, I'm just doing this for you!" napapansin ko na parang sumungit na naman siya."Para sa akin o para sa 'yo?" 'di ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na iyon o bakit ko 'yon natanong sa kaniya, napapansin ko kasing nag-iiba na ang mga ikinikilos niya. Sadyang concern lang ba talaga siya o may iba pa s'yang rason?"What kind of question is that?" nakataas ang isa n'yang kilay habang laglag ang kan'yang panga na nagtanong sa akin."Napapansin ko lately parang ma
Napaungol ang lalaking nasa harap ko matapos n’yang ibaba ang boxer shorts niya at tumambad sa akin ang patusok na bagay, ‘di ko alam kung ano ‘yon at ‘di ko maintindihan kung ano ang ginagawa niya pero parang hinihimas niya ang bandang dulo nito. Samantalang ang mga may hawak naman sa akin ay naramdam ko na hindi na rin sila makapagpigil.Nakatitig sa akin ang nasa harapan ko habang ginagawa pa rin ‘yon, kagat niya pa ang ibabang labi niya at impit s’yang napapadaing. “Ahh- shit-Ahh!” nang muli s’yang umungol ay kasunod no’n na napasigaw siya sa sakit, hindi ko namalayan kung paano siya napadaing sa sakit dahil sa bilis ng pangyayari, ang tanging alam ko na lang ay nakaluhod na siya sa harapan ko’t napapasigaw sa sakit.Samantalang ang dalawang kaninang may hawak sa akin ay tuluyan na akong nabitawan matapos silang makatikim ng magkakasunod na suntok, hindi ko kilala ang mga ‘yon maliban sa isang nasa harapan ko ngayon, hawak-hawak niya ang buhok ng lalaki patalikod kaya lalo itong n