Share

Chapter 7: Officially Unofficial

"Sign this." Inimuwestra ni Alessio ang papel sa harapan ni Yanna.

Napakunot naman ang kilay ng dalaga nang makita na blangko ang papel na naroon. "Saan ako pipirma d'yan?" Iniisip niya na baka nagkamali lang ito sa pagbibigay ng papel sa kanya. Hinintay niyang mapalitan ito sa kanyang harapan.

Pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Komportable lang itong nakaupo sa couch sa kabilang dulo ng mesa. Nakatuon ito sa kanya na tila ba natutuwa sa kanyang pagkalito.

"You can sign at the bottom."

"Teka lang. Pinagloloko mo ba ako? Bakit naman ako pipirma sa papel na walang laman?" Naiinis na siya. Pakiramdam niya ay nananadya ito. Dapat pala ay hindi na siya nag-aksayang pumunta rito. Kung bakit naman kasi sa lahat ng maiisipan niya ay si Alessio pa?

"Well, this is my term, Ms. Del Valle. I agreed to marry you and in exchange, ako ang masusunod sa contract terms."

"No. Hindi naman ata tama na ikaw lang ang masusunod. As in wala man lang akong say kahit kaunti? That's unfai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status