Pawis na pawis na si Cory habang naghahanap ng bagong trabaho. Inabot na siya ng tanghalian wala pa din siyang nakukuhang bagong trabaho. Mahirap talagang makahanap ng trabaho ang hindi nakatapos ng kolehiyo. Ilang araw na din siyang naghahanap. Pero hanggang ngayon ay wala pa din. Hindi naman siya nawawalan ng pag asa na makahanap ng bagong trabaho. Mauubos na din ang ipon niya. Hindi pa din niya nakukuha ang seapeation pay niya sa bar na dating pinagtatrabahuhan.
Napadaan siya sa isang fast food chain. Naiinggit siya sa nakikitang mga batang masaya kumakain. Kasama ang buo nilang pamilya. Sana kahit makatikim man lang ang mga kapatid niya masasarap ba pagkain. Masaya na siya. Pero parang malabong mangyari iyon. Dahil kailangan pa niyang bumili ng gamot ni Cathleen. Higit na mas kailangan ni Cathleen nang gamot. Dadating din ang panahon na maibigay niya ang gusto ng kanyang dalawang kapatid.
Naisipan ni Cory na pumasok sa loob ng fast food at tingnan ang presyo ng mga pagkain. Titingnan din niya kung may sobra pa sa pera niya. Kahit pangpasalubong lang niya sa dalawang nakababatang kapatid niya.
Sa di kalayuan ay may matiyagang nag aabang na lumabas si Cory sa fast food. Sout ang kanyang cap at shades para hindi siya makilala.
"Baby, enough for your hide and seek" sabi ni Ely. Maya maya pa ay nakita niyang lumalabas ng fast food si Cory. Malungkot itong naglalakad. Nagtagal doon si Cory wala itong dalang supot ng pagkain.
Mabagal na pinaandar ni Ely ang kanyang kotse. At hindi inaalis ang mga mata kay Cory. Inihinto niya ang kotse niya sa gilid ng daan at lumabas ng kotse. Hinabol niya si Cory.
"Cory" tawag ni Ely dito.
Napahinto si Cory nang may tumawag sa kanya. Parang pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso niya. Kilala niya ang boses na iyon.
"Hindi puwede. Hindi siya yan" nakapikit na sabi ni Cory sa isip.
"Cory, can we talk? Basta mo na lamang ako iniwan ng hindi man lang tayo nagkakausap" hinawakan na ni Ely si Cory sa braso at pilit na inihaharap ito sa kanya.
Naestatwa si Cory at ayaw nitong humarap kay Ely. Hindi maari. Ang bilis naman nila magkita ulit. Ayaw pa sana nitong makaharap si Ely. Pero anong gagawin niya gagawin niya ngayon, andito si Ely sa likuran niya?
"Wala man lang ba sayo ang nangyari sa ating dalawa. Cory, you lost your virginity b'ciz of me. And I will take the responsibility to you and of course. Kapag nabuntis kita. Hinanap kita. Bakit kaba nagtatago dito? Iniiwasan mo ba ako?"
"Ely, gusto ko ng tahimik na buhay. Layuan mo na ako. Hindi ako mabubuntis at wala kang dapat na panagunatan sa akin. Wala tayong relasyon" tanggi ni Cory.
"Please, Cory. Humarap ka nga sa akin. Tingnan mo ako. Sabihin mo sa harapan ko na wala lang talaga sayo ang nangyari sa ating dalawa. Ang isang gabi na pinagsaluhan nating dalawa"
Napilitang humarap si Cory kay Ely.
"W-Wala lang s-sa akin. Okay na ba? Kuntento kana ba? Sige na umalis kana, Ely!"
"Eh, bakit hindi ka makatingin sa akin? Why you stutter? Hindi ako naniniwala, Cory. Can you give me a chance? Gusto ko lang mapalapit sayo. Lalo lang lumala ang guilt ko dahil sa sinabi mo"
"Ely, bumalik kana ng Manila. Hayaan mo na ako dito. Hindi tayo bagay. Mayaman ka mahirap lang ako. Kaya tigilan mo na ako" saad ni Cory at muling tumalikod kay Ely. Nalaglag na ang luhang kanina pa niya pinipigilan na bumagsak mula sa mga mata niya. Pinunasan ni Cory ang mga luha niya, saka nagmamadaling naglalakad palayo kay Ely.
Naiwan si Ely na napabuga ng hangin. At nakapameywang na tinitingnan lang si Cory na papalayo sa kanya.
Muling binalikan ni Ely ang kanyang kotse at pumasok sa loob. Binuhay niya ang makina at pinaandar. Sinundan niya si Cory. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha si Cory. Kung kailangan na suyuin niya ito ay gagawin niya. Basta maniwala lang si Cory na wala siyang intensyon na masama sa kanya.
"Ely, inlove kaba kay Cory?" pasipol sipol na tanong niya sa sarili. Malawak ang ngiti na nakatingin kay Cory na naglalakad.
Ang lalaki ng hakbang na pumasok kaagad ng bahay nila si Cory. Inilock ang pinto at napasandal sa pintuan. Naghahabol ng hininga na animoy hinahabol. Napahawak siya sa kanyang dibdib.
"Ate, andito kana pala? " bungad na tanong ni Carvie. Nilapitan ni Cory ang kapatid.
"Musta si Cathleen?"
"Nasa kuwarto na. Doon ko nalang siya pinaglaro. Ate, may problema kaba?"
"Wala naman. Maliligo lang ako at pupuntahan ko si Cathleen" sagot ni Cory sa kapatid.
"Okay, Ate. Guyom kana ba?"
"Mamaya na lang. Sige na" tumango ng ulo si Carvie sa kapatid. May kakaiba dito. Parang natatakot at kinakabahan.
Inihinto ni Ely ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Sinisilip ang bahay na pinasukan ni Cory. Pagkaraan ng ilang minuto na pagmamasid ay umalis na din si Ely. Babalik siya para kumbinsohin ulit si Cory.
Pagkatapos maligo ni Cory at makapagbihis ay diretso agad siya sa kuwarto nila. Naabutan ang bunsong kapatid na nakaupo at naglalaro ng kanyang lumang manika.
"Ate!" masayang sabi ni Cathleen. Nilapitan kaagad ni Cory ang kapatid at niyakap.
"Musta ang pakiramdam mo? May iba ka bang nararamdaman? Kapag hindi ka makahinga sabihin mo kaagad sa Kuya mo o kaya sa akin" mga bilin ni Cory sa kapatid nuong iniharap niya ito sa kanya. Umiling iling ng ulo si Cathleen.
"Huwag kana pong mag alala sa akin, Ate. Okay na okay po ang pakiramdam ko ngayon" nakangiting sagot ni Cathleen. Napangiti si Cory at muling niyakap ang kapatid.
"Mahal na mahal ka namin ng Kuya Carvie mo" saad ni Cory at hinalikan sa buhok ang bunsong kapatid.
"Mahal ko din kayo, Ate" tugon ni Cathleen.
Kinabukasan, hindi nakatulog ng maayos si Cory sa pag iisip. Paano nga kaya kung mabuntis siya? Anong gagawin niya? Dumadagdag pa siya ng problema. Kung buntis nga siya. Paano niya bubuhayin ang magiging anak niya? Hindi naman niya iyon pinagsisisihan. Pero ang hirap na ng buhay nila. Saan siya kukuha ng pera para ibuhay sa anak niya?
Maaga pa din na umalis ng bahay si Cory. Kailangan na niyang makahanap ng trabaho ngayon. Nauubos na ang ipon niya. Kahit ano tatanggapin niya. Kahit na kasambahay ay papasukin na niya."Carvie, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Saka si Cathleen, alagaan mong mabuti. Huwag mong hayaan makalanghao ng alikabok sa labas. Palagi kong ipasuot ang facemask niya kapag lalabas kayo ng bahay" mga bilin ni Cory sa kapatid. Maigi na lamang at nalasahan na niya ito."Tatandaan ko po, Ate. Mag iingat kapa po. Sana pag uwi mo may trabaho kana" sagot ni Carvie. Hinawakan naman ni Cory ang kapatid sa pisngi at hinalikan."Salamat"Umalis na si Cory. Siyang dating naman ni Ely. Kinuha niya sa compartment ng kotse niya ang kanyang mga pinamili na grocery para sa magkakapatid. Bitbit ang mga plastic ay pumunta siya sa harapan ng pinto ng bahay nina Cory. Inilapag niya muna ang mga dala at kumatok.Pinagbuksan kaagad siya ng isang binatilyo na hula niya ay kinse anyos."Hi. Good morning. Ako nga pal
Buhat-buhat ni Ely si Cathleen papasok sa loob ng emergency. Kasunod sina Cory at Carvie na iyak ng iyak."Doctor! Nurse!" tawag na sigaw ni Ely. Tumatakbo naman na lumalapit ang isang Nurse sa kanila."Ano pong nangyari sa bata?" tanong nito at tiningnan ang batang pasyente."May sakit siya sa puso. Nahihirapan na siyang huminga" sagot ni Ely."Ihiga niyo na po doon sa loob ng emergency room. Tatawag lang po ako ng doktor" utos nito kay Ely at sumunod naman si Ely. Pumasok sila sa loob ng emergency room at inihiga si Cathleen sa bed doon. Ang Nurse ay mabilis na tumawag ng doktor. Nilapitan nina Cory at Carvie ang bunsong kapatid. Umiiyak sila at hinahaplos ni ulo ng kapatid nila. Habang si Ely ay nakatayo sa gilid.Napalingon silang lahat ng pumasok ang doktor. Kasunod din nito ang isang Nurse. Nilapitan nito kaagad si Cathleen. At sinuri."Nurse, ready the oxygen. Then the machine" utos nito sa Nurse na kasama niya. Sumunod kaagad ang Nurse at umalis."Sino po ang pamilya ng pasye
Nadaanan ni Ely si Carvie sa labas ng ospital na nakaupo mag isa. May mga dala siyang mga damit at pagkain nila. Nilapitan niya ito."Carvie, anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong ni Ely. Nagpunas bigla ng kanyang luha si Carvie."Wala po, Kuya Ely. Nagpapahangin lamang po dito sa labas ng ospital" pagsisinungaling nitong sagot sa kanya."Kung ang ikinababahala mo ay si Cathleen. Huwag ka nang mag alala. Diba, sinabi ko na simula ngayon ako ang bahala sa inyo. Hindi ko pababayaan na may masamang mangyari kay Cathleen" wika ni Ely. Napatunghay si Carvie kay Ely."Bakit mo po ito ginagawa?""Gusto ko lang makatulog sa inyo ng Ate mo" sagot ni Ely."Mahal mo po talaga si Ate, Kuya Ely. Kaya kahit na ipagtabuyan ka niya heto ka pa din tinutulungan kami" ngumiti si Carvie kay Ely. Masaya siya dahil handang tumulo ng ang Kuya Ely niya sa kanilang magkakapatid.Inakbayan ni Ely si Carvie. "Masyado ka pang bata para maintindihan mo ang sa amin ng Ate mo. And yes, gusto ko ang Ate mo. Mahal
Araw ng operasyon ni Cathleen at nasa loob na ng operating room na ito. Mataman na naghihintay sina Cory at Carvie sa labas ng operating room.Dumating si Ely at nilapitan si Cory."Puwede ba tayong mag usap, Cory? Gusto ko lamang na magpaalam. Babalik na ako ng Manila" sabi ni Ely."Kuya Ely, aalis kana?" tanong ni Corvie. Tumango ng ulo si Ely. Malungkot naman na tumingin si Carvie sa itinuring niyang Kuya."Ikaw na ang bahala sa mga kapatid ko, Carvie. Ikaw ang lalaki kaya protektahan mo sila. Pati ang Ate mo" bilin ni Ely dito. Tumango ng ulo si Carvie. Saka bumaling kay Cory."Dito ka lang muna, Carvie. Babalik ako" paalam ni Cory sa kapatid.Naunang lumakad si Cory at sinundan naman ito ni Ely. Nasa labas sila ng ospital para mag usap."Cory, I'm sorry kung naging makulit ako. Kung ginugulo kita. I'm really sorry. It's just I'm thinking I have a responsibility sayo dahil sa nangyari sa atin nuong gabi na iyon. Hindi ka lang din talaga maalis sa isipan ko simula ng may mangyari s
"Waitress, ang order namin! Kanina pa kami naghihintay, ah" angal ng customer."Sandali po" sagot ni Cory. Kinukuha niya ang order ng isa pang customer sa ibang lamesa."Cory, halika nga dito!" sigaw ng may ari sa kanya. Natataranta na si Cory. Kung sino ang uunahin. Mag isa lang kasi siyang serbedora sa isang kainan."Ah Ma'am ano po iyon?" magalang na tsnign niya."Kanina ka pa sa lamesang iyon. Nagrereklamo na 'yung nasa kabilang lamesa. Hala! Kunin muna ang order 'nun sa loob ng kusina!" galit na utos ni Meding."Pasensiya na po. Kukunin ko na po" nagmamadali naman ito na pumunta ng kusina para kunin ang order nung customer na nagrereklamo.Nagpatuloy ang buhay ng magkapatid na sina Carvie at Cory. Nawala man ang isa ay kailangan nilang bumangon at tumayo muli. Si Carvie ay muling nagpatuloy ng pag aaral. High school nga lang. Pero ang sabi ng gur9 niya ay puwedeng mag exam si Carvie para sa susunod na pasukan ay kolehiyo na siya. Ang bilis ng panahon. Kaya ito nagtitiyaga si Cory
Ito ang araw ng pag alis at pagpunta ng Maynila nila Carvie at Cory. Kasama si Calli. Nakasakay sila ng barko. At bukas ng umaga ay nasa Maynila na sila. Ang daming pumapasok sa isip ni Cory. Paano kung magkita sila ulit ni Ely? Ano ang gagawin niya kapag nalaman nito na may anak pala sila? Dalawang taon din niyang itinago si Calli. Baka kapag nalaman ito ni Ely ay ilayo nito ang anak niya sa kanya."Ang lalim ng iniisip mo, Ate" napalingon si Cory sa kapatid na tumabi na umupo sa higaan nila."Iniisip ko lang si Calli. Natatakot ako, Carvie. Ngayon na pupunta tayo ng Maynila. Kinakabahan ako para sa anak ko" hindi na niya na itago ang kanyang nararamdaman."Dapat nga matuwa ka pa. Dahil babalik na sayo si Kuya Ely. Kapag nalaman niyang may anak kayo. Hindi mo na ba talaga mahal si Kuya?" "Alam mong wala akong ibang lalaki sa buhay ko. Kundi si Ely lamang. Siyempre dahil mahal na mahal ko siya. Kahit na isang pagkakamali ang gabi na iyon sa aming dalawa. Hindi ko pinagsisihan iyon. I
"Mr. Andrew, sana na ma-final na natin ang resolusyon sa napipintong project sa Tagaytay. Kailangan na nating maayos kung kailan natin sisimulan ang project na ito" sabi ni Siegfrid Baltazar. Isa sa mga shareholder ng Andrew Industrial Corporation. Ito ay pag aari ng pamilya nina Ely. Sina Ely ay shareholder din sa HMG na pag aari ng ama ni Cindy."Yes, Fred. I will ask Dad kung ano ang gusto niya. Mas maganda na alam niya ang tungkol sa napakalaking project sa Tagaytay Sunrise. Sila ang mamahala sa construction sa napakalaking subdivision sa Tagaytay."Okay, Ely. But we need it as soon as possible. Alam namin na si Mr. Allen ang isa sa pioneer ng kompanya. But we trust you Ely that you can decide better than your father" ani Mr. Bert Sinas. Tumango at ngumiti si Ely."Salamat sa inyong tiwala sa akin. Pero mas gusto ko pa rin na si Daddy ang magdedesisyon para sa Tagaytay Sunrise" saad ni Ely.Nang matapos ang kanilang meeting ay isa isang nakipagkamay si Ely sa kanyang mga, empleyad
Hinihintay ni Ely si Cory na matapos sa trabaho nito. Nasa opisina ito ng Manager ng restaurant naghihintay. Nagbubulungan naman ang mga kasamahan niya dahil sa nalaman na magkakilala pala sina Cory at Mr. Andrew. Ang iba ay kinikilig habang ang iba naman ay naiinggit. Mayroon ding galit sa kanya. Si Eliseo Andrew kaya iyon. Ang may ari ng Andrew Industrial Corporation. At iba pang mga negosyo na pagmamay ari ng pamilya niya. Siyempre siya ang nag iisang anak na magmamana ng lahat nang iyon."Sir Andrew, baka po may kailangan po kayo? Juice or coffee?" baling na tanong ng Manager kay Ely. Napapansin niya ang mga malalagkit na tingin nito sa kanya. Umiling ng ulo si Ely. Siyang pasok naman ni Cory. Nakangiti itong sinalubong ni Ely."Tapos ka na?" masuyong tanong ni Ely."Oo, tapos na ako. Out na nga ako" sagot ni Cory. Hinawakan ni Ely ang kamay ni Cory."Let's go" aya ni Ely. Muling sumulyap ni Cory ang Manager nila."Ma'am, alis na po kami. Salamat po" paalam ni Cory. Hindi naman n