Raven's POVNARATING ko na ang lamesa nina Haze at agad akong napatingin sa kasama nito. Nakatingin sa akin ang lalaki na nakanganga pa habang si Haze naman ay nakatingin doon sa lalaking tinitingnan kanina."Vaklah! Diyos ko di mo naman sinabi na diyosa pa la itong roommate mo!" Nagulat pa ako sa pagtili ng lalaki. Parang nawiweirdohan ako sa ikinikilos niya."Oo diyosa yan. Nakita mo naman, dineadma lang ang kapogihan ni Vander my loves." Sagot naman ni Haze ngayon at sa akin na ito nakatingin. "Grabe Raven, hindi ako makapaniwala na bastang nilagpasan mo lang si Vander na parang hindi nakikita. Hindi ka ba nagugwapohan sa kanya?"Napakunot noo naman ako nito. Ano ang ibig nitong sabihin. Bakit nasasali ang pangalan ni Vander? Nandito ba si Vander?"Naku vaklah. May K naman siya kasi diyosa siya." Sagot naman ng lalaki. "Pero teka, magpapakilala muna ako. Ang pangalan ko pala ay Bryce Walker, but you can call me Bree.""Gaga ka vaklah, hindi nakakapagsalita si Raven." Sita naman ni
Raven's POV"Bilisan na natin. Kailangan natin maging maaga doon sa arena." Nagmamadaling kilos at salita ni Haze mula sa labas ng aking kuwarto.Napatingin ako sa wallclock at nakita mo na ala siete pa ng umaga. Alas otso pa naman ang pagtitipon dahil may paligsahan daw na magaganap. Pero hindi ko na ito inusisa dahil mas nakakaalam naman ito sa kung ano ang dapat gawin.Nakasuot na ako ng neon yellow green na tank top at yung fatigue pa rin na pants at nakacombat shoes ako. Kailangan ko daw ito para makilala ang klasipikasyon ko sa paligsaan. Kung normal naman na klase ay naka-itim na tank top lang kami lahat.Lumabas na ako sa kuwarto at komportable naman ako sa suot ko. Medyo parang napakaliwanag lang talaga ng kulay ng damit ko pero okay na rin dahil ito talaga ang suot ng lahat ng common."Wow! Maganda sayo tingnan yung kulay." Puna naman nito sa akin pero hindi ko na yun pinansin dahil nasasanay na ako sa kanya araw-araw na parang laging pasabog ang suot ko."Tara na." Saad ko
Raven's POVPUMUKAW sa aking kuryusidad habang nandito ako sa kuwarto nun lalaking nakita ko sa cafeteria at nakabangga ko kanina. Hindi niya ako pinalabas ng kuwarto at pabor naman sa akin yun para hindi agad ako mahanap ng mga hunters.Nag-iisip ako kung sino ba ang lalaking ito. Professor din ba siya? O scientist? Hindi kasi siya sumali sa event at nandito lang siya sa sinasabi niya na bahay niya raw ito. Kaya baka nga professor siya.Nakapagbihis na rin ito kaya nawala na yun pagka-asiwa ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit naasiwa ako. Wala naman kahulugan kahit ganun ang itsura niya. O hindi lang talaga ako sanay na makakita ng ganun kaya ganoon ang naramdaman ko."You're new here?" Tanong ng lalaki sa akin.Tumango naman ako. "Noon isang araw lang ako nandito." Sagot ko naman. Hindi ko rin alam kung bakit ingles ng ingles ito. Pero mabuti na rin at nakakaintindi naman ito ng tagalog."Where do you came from?""Sa Ravenwood." Tinaasan naman ako nito ng kilay at
Raven's POV"GOOD job with the game. Pero humahakot ka ng atensyon." Saad ni sir Blast sa akin.Nandito kami ngayon sa isa sa mga bakanteng training room. Ngayon magsisimula ang pagtuturo niya sa akin. Nanood din ito kanina sa hunter and hunted game."Hindi ko alam na ako ang mananalo sir." Sagot ko naman rito. Hindi ko naman talaga inasahan yun."Saan ka ba nagtago at di ka nahanap ng mga Epic?" Nagtatakang tanong pa nito."Sa isang bahay po. Nagtago ako doon sa kuwarto at nakalimutan ko dahil sa tagal n-nakatulog ako." Sagot ko rito. Totoo naman yun pero hindi ko lang binanggit ang lalaking tumulong sa akin dahil baka magtanong ito kung sino yun. Hindi ko pa naman natanong yung pangalan."Sinuwerte ka sa laro. Tinulugan mo lang, nanalo ka na." Napailing na saad ni sir Blast sa akin. "Sige magsimula na tayo. Ang gagawin mo ngayon ay pagalawin ang isang bagay gamit ang isipan mo."Napakurap naman ako. "Paano ko po yun gagawin?""Titigan mo ang bagay na gusto mong gumalaw, isipin mo ku
Raven's POV"ANG daya mo kahapon, hindi pa nga nangangalahati yung movie sumibat ka na." Reklamo sa akin ni Haze.Patungo kami ngayon sa arena para sa training. Balik normal na ulit ang klase dahil tapos na ang event. Itim na tank top na ulit ang mga suot namin. Hindi ko naman alam kung paano sagutin si Haze. Hindi ako komportable sa pinanood nila kahapon dahil binibigyan ako ng ideya na hindi ko dapat malaman."P-patawad, inantok na talaga ako kahapon. Nag supplementary class pa ako di ba?" Pagrarason ko rito. Sana maniwala ito."Oo nga pala. Hindi man lang namin naisip na pagod ka pala kahapon." Sagot naman nito sa akin.Nagtataka naman ako kung nasaan si Bree dahil hindi namin yun naabutan na naghihintay sa labas mg dorm. "Nasaan si Bree?""Isa sa siya officer of the day ngayon kaya mas maaga siyang pumunta sa arena para sa attendance. Responsibilidad yun ng epic." Sagot naman nito sa akin."Ah... hindi ko alam." Sagot ko rito."Hindi mo nalaman kasi maaga kang natulog. Hindi mo tu
Raven's POV"MAUNA na kayo, susunod ako sa inyo." Saad ko kina Haze at Bree na ngayon ay naguguluhan na sa mga sinasabi ko."Huh? Bakit? Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Haze sa akin. Tinitingnan ako nito na parang isa akong bagay ni hindi matukoy."Oo nga. Ngayon ngayon lang, parang biglang nawala ka sa sarili mo tapos ngayon....." hindi maituloy ni Bree ang sasabihin dahil pati siya ay naguguluhan na din sa akin."Mamaya ko na ipapaliwanag. Basta mauna na kayo. Kung matagalan ako, wag niyo na akong hintayin." Saad ko sa mga ito. Kung ano man ang mangyayari sa akin ay ang diyos na talaga ang bahala."S-sige..." napipilitan na saad ni Haze.Tumalikod na ako sa kanila at tinahak ko ang daan patungo sa Mansion ni Vander. Nanlalamig din ang aking kamay. Hindi pa rin mawala-wala sa dibdib ko ang takot. Pakiramdam ko ay nakatayo ako ngayon sa isang bangin na ano mang pagkakamali ay mahuhulog ako.Hindi ko na napansin ang mga nakakasalubong ko. Dire-direcho lang ako hanggang sa wala
Raven's POVNATAPOS din ang dalawa sa pagkain. Maraming nakain ang dalawa dahil naubos nito ang nakahain na kanin at ulam at napasandok pa ulit si Josh. Ganoon talaga siguro dahil lalaki sila. Malaki ang pagkakaiba sa dami ng kinakain.Nagprisenta ako na maghugas ng pinagkainan namin dahil nahihiya talaga ako ng sobra. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kumain ako sa ibang bahay at wala man lang akong tulong na nagawa. Pero hindi ako pinayagan ni Vander dahil si Josh ang kanyang pinaghuhas.Nahihiya man pero lumabas na ako sa dining room at sinamahan naman ako ni Vander."You want to watch a movie?" Tanong nito sa akin ngayon.Movie? Agad na napailing ako dahil hindi ko pa nakakalimutan yung napanood ko. Parang hindi ko gugustuhin na manood uli ng palabas."K-kailangan ko ng bumalik sa dorm." Sagot ko rito. Masyado na akong nagtatagal dito at nakakahiya na yun.Nakita ko naman na tila may lungkot na dumaan sa mga mata nito. Hindi ko mawari kung bakit ko yun nakita. Pero mas pinangun
Raven's POVNAGSIMULA ang araw ko na matiwasay. Natapos ang klase namin sa umaga at sa hapon naman ay ang klase ko kay sir Blast sa training room. Masakit pa rin ang katawan ko kahit papaano ay nakakasabay na ako sa mga itinuturo ni sir Blast na self defense.Pero pakiramdam ko ay hindi ako kailanman gagaling rito. Kilala ko ang katawan ko at alam ko na hindi ako para doon. Pero hindi ako nagrereklamo dahil parte yun ng pag-aaral ko. Hindi man ako magiging magaling sa larangan ng pisikal na lakas sa pakikipaglaban pero matututo ako.Natapos din ang tanghalian ng malinaw at walang gulo. Nagmamadali din ako dahil hindi ako pwedeng mahuli kay sir Blast kaya nagmadali akong pumunta sa training room. Ngayon araw ay pinasubok niya sa akin ang kontrolin ang isang buhay na nilalang. Isang pusa. Noong una ay medyo nahirapan ako sa pagcontrol sa pusa dahil may sarili itong pag-iisip pero nagpursige ako hanggang sa natutunan ko rin. Naging buong maghapon ang aking pag-eensayo, hindi katulad noon