“Hello?” “Love ayos ka lang ba?! May nangyari ba sa inyo ng anak ko?!” agad kong tanong dito na ikinatawa naman ng nasa kabilang linya. “Ano kaba love we're okay masyado kang overthinker. By the way bakit ka napatawag?” Para akong nabunutan nang tinik dahil sa narinig, ngunit bakit nasa labas si Claire at anong ginagawa niya sa Gray's Company? Huminga ako nang malalim bago ko sabihin sa kaniya ang totoo, hanggat maaari ayoko sanang ipaalam sa kaniya ito dahil baka mapaano sila nang anak ko pero alam kong mahalaga si Claire sa kaniya. Nakita ko ang saya sa muka ni Bea ng malaman niyang buntis si Claire dahil nung araw ng kasal namin ay iyak ito ng iyak dahil sa sinabi ng kaibigan. “Love please wag kang mabibigla baka mapaano kayo nang anak ko,” “Okay sure sige ano ba yun?” “Pero bago iyon bakit nasa labas si Claire at anong ginagawa niya sa Gray's Company?” Natahimik sa kabilang linya dahil sa tanong ko. “Love?” “H-ha? Ah ano kasi—teka paano mo nalaman na andoon si Claire?
CLAIRENagising ako ng umiiyak at agad na hinawakan ang aking tiyan. “Anak ko! Anak ko!”“Claire! Shh... Claire tahan na ayos na ang kambal! Ayos na sila!”Napatingin ako kay Bea dahil sa sinabi niya at napahawak sa braso nito.“Bea ang mga anak ko! Ang mga anak ko!”Niyakap ako ni Bea dahil doon at pinakalma ako. “Shh ayos na ang kambal Claire wag kanang mag-alala pa,”Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako dito at naninigurado.“Yes they are fine now, yan ang sabi ng doctor mo. Sabi niya matapang ang mga anak mo at lumaban sila,” muli akong napaiyak dahil sa sinabi niya at hinawakan ang malaki kong tyan.“Patawarin niyo si Mommy sa ginawa ko mga anak, hindi na mauulit! Hindi na ulit tayo magpapakita sa ama niyo muntik na niya kayong patay!n!”“What? Anong patay!n?”Napatingin ako kay Bea dahil sa tanong niya, kitang kita ko ang pagkalito sa kaniyang mga mata.“S-si Zekiel Bea, si Zekiel ang may gawa saakin nito. Itinulak niya saakin ang isang babae kaya ako napatama sa sahig at nat
“BAKIT kaba kasi nasa Gray Company Claire? At sa dami-dami pa nang hihintuan mo eh sa harapan pa ni Kiel ako na nagsasabi sayo mainitin talaga ang ulo ng isang yun mas lumala nga ngayon eh,” Hindi ako nakaimik dahil sa tanong ni Dylan saakin, andito na sila mama at nanay. Nag-alala daw sila ng sobra saakin at kaya wala sila ng magising ako dahil kumuha sila ng mga damit ko sa bahay. Napatingin ako kay Bea at nabahala din ito sa tanong ni Dylan. Nag isip ako ng dahilan upang makalusot ako kay Dylan, maaaring mag hinala ito saakin dahil kung anong ginagawa ko doon. “Ahh ano kasi kikitain ko sana yung friend namin ni Bea, doon siya nagtatrabaho sa kumpanya nila Zekiel kaso biglang sumakit ng kaunti yung tyan ko kaya napatigil ako sa harapan ni Zekiel tapos ayun nangyari na nga yun,” Napatango naman si Dylan dahil sa sinabi ko, pero I doubt na naniniwala to. Alam kong nakita niya ang CCTV and I'm not look like in pain that time. Ibang pain ang nararamdaman ko. “Sabi nga pala ni Kiel
-THREE MONTHS LATER- “Sige pa hija i-ire mo pa!” Feeling ko hindi ko na kakayanin ang sakit na nararamdaman ko, parang hindi ko na kaya pang umire. “Ahhh!!!” Sinubukan ko pa hanggang sa tuluyan ng lumabas ang unang anak ko. Pumalibot sa loob nang kwarto ang iyak ng aking unang anak. Samantalang ako naman ay pabagsak na napahiga sa higaan ko at hingal na hingal. “It's a boy! Lalaki ang una mong anak Claire!” Masayang sabi saakin ni Dr.Anderson siya ang mama ni Dylan. Noong araw na muntik ng mapahamak ang kambal ay nalaman ko na dinala ako ni Dylan sa doctor ko which is ang mama niya pala. Nagulat kami nung una dahil pagkakataon nga naman, hindi ko kasi kilala ang mama niya. “Claire! Claire hey wake up! May isa pang bata sa sinapupunan mo,” Parang nag-eeco yan sa aking pandinig ngunit hindi ko pa kayang idilat ang aking mga mata. “Claire you have to wake up! Kung hindi ang anak mo ang mamamatavy!” muli kong narinig. Sinusubukan kong dumilat, gusto kong iligtas ang anak ko n
Hindi mapigilan ni Claire na mapaiyak sa oras na makita niya ang baby boy na unang ibinigay sa kaniya at sumunod naman ay ang babae. Sa magkabilaang braso niya inilagay ang mga ito at sa oras na makalong niya ito ay bigla silang tumahimik. “T-twins, ako ang mommy niyo,” Pagkasalita ni Claire ay agad na dumilat ang mata ng dalawa at nakita niya ang dalawang pares na kulay gray na mga mata na mas lalong ngpaiyak sa kaniya. “Nakuha niyo ang mga mata ko!” masayang sabi niya at agad na lumapit ang mga ito sa kaniya. “Kay ganda at pogi naman ng mga apo namin! Kaso mata lang nakuha sayo anak siguro ay ang ama nila ang kamuka,” sabi ni Lucing “Malamang na gwapo rin iyon dahil ang ganda at gwapo nila!” masayang sabi ni Erin dito na ikinatingin ni Claire sa kaniya na umiiyak. “Ma, ang saya ko po,” pinunasan naman nito ang luha niya. Samantalang napahinto si Dylan sa pag-alalay kay Bea papunta sa kambal nang malayo palang ay kita na niya ito. Agad na kinabahan si Bea at napatingin s
CLAIRE MAKALIPAS ang ilang araw ay bumalik sa ayos ang aming buhay ngunit ngayon ay mas masaya na dahil mayroon na kaming Zayne at Zoey. Noong manganak ako ay tuwang-tuwa sila mama at nanay at hanggang ngayon ay tuwang tuwa pa rin sila sa pag-aalaga sa dalawa. Kung minsan nga ay nakakatulog na sila sa higaan ko kaya hinahayaan ko na lamang ang mga ito at sa coach ako natutulog. Ako naman ay hindi mapagsiglan ang saya na nararamdaman ko simula ng makita ko ang kambal. Naalala ko na muntik nang malagay sa panganib ang buhay namin ni Zoey, hindi ko naman alam na mayroon akong sakit sa puso. Sa pagkakaalam ko ay namamana ang ganoong uri ng sakit ngunit paano? Meron ba noon sa lahi namin? Maaaring kay papa dahil hindi ko pa naman siya nakikita eh. Mabuti nalang at naagapan ako agad dahil kung hindi ay 'di ko kakayanin na mawala ang isa sa kambal. Dalawa sila at hanggat maaari ay gusto ko na magkasama sila parati. Si Bea ay sa pagkakaalam ko one of these days ay manganganak na siya
"Sabihin mo saakin nurse ayos lang si mama hindi ba?! Hindi ba ayos lang si mama?!" alog kong sabi sa kaniya na ikinabuntong hininga naman nito. "I'm sorry miss wala na ang mama mo, dead on arrival po siya kanina at nasa morgue na po siya ngayon,"Napaatras ako dahil sa sinabi nung babae at sunod-sunod na tumulo ang aking luha. Napakapit ako sa aking bibig at agad na tumakbo papunta sa morgue na sinasabi nito."Miss! Miss, sandali!"Patuloy lang ang luhang tumutulo sa aking mga mata habang tumatakbo, hindi ko matanggap ang katotohanan, hindi ko kaya!Nang makarating ako sa morgue ay agad akong sumilip sa pintuan at nakita ko mula sa labas ang nag-iisang nakahiga doon at mayroong takip na kumot sa buong katawan. Nanginginig na hinawakan ko ang doorknob at itoy binuksan. Nang makapasok ako ay dahan-dahan kong sinara ang pintuan. Humarap ako doon sa katawan at nananalangin na sana ay hindi ito si mama.Dahan-dahang kong tinanggal ang pagkakatakip ng puting kumot dito at tuluyang nanghin
"NAK, sigurado ka ba na sa ganito tayo titira?" Napatingin ako kay nanay dahil sa sabi nito. Hawak hawak niya si Zoey habang ako ay si Zayne naman ang hawak ko. Napatingin ako sa paligid nitong bagong nilipatan namin. Maliit siya kumpara sa bahay namin dati ngunit meron siyang kusina at isang kwarto. Maliit lang ang kwarto kakasya lamang ang higaan at konting space. Ang kusina naman ay maliit lamang din. “Wag mong masamain ang sinasabi ko anak ah? Ang ibig kong sabihin ay ayos ba sayo? Hindi ka lumaki sa ganito,” Pagkasabi ni nanay niyon ay napatingin ako sa labas ng bahay dahil doon. Squatter area. Oo hindi ako lumaki sa ganito at hindi ako sanay pero may magagawa pa ba ako? Pinaalis kami kanina sa bahay ng sapilitan. Wala akong magagawa baon na pala kami sa utang, hindi ko inaasahan iyon. Napabuntong hininga ako at napatingin sa hawak kong sanggol at sa hawak din ni nanay. “Sigurado ako nay, kaya ko ‘to at kakayanin natin. Kakayanin,” hindi rin ako sigurado sa huli kong s