Share

CHAPTER FIFTEEN

Ilang araw nang walang paramdam si Harken kay Hendell magmula noong biglaan itong umalis ng restaurant kung saan sila dapat magdidinner. Noong gabi rin na iyon ay nagdesisyon siyang umuwi na lang dahil hindi siya ganoon ka kumportable na kasama si Marcio at Tres. Ni tawag o text ay wala siyang natatanggap mula rito. Nag uumpisa na siyang mag alala at hindi siya mapakali sa isang tabi. Her mind can't stop thinking over things that don't make sense at all. Kapag tinatanong niya naman si Marcio ay puro pagsusungit lang ang natatanggap niya. Napansin niya rin ang pagbabago ni Marcio matapos ang gabing iyon. Mas naging iritable ito at mainitin ang ulo. 

Hindi naman siya manghuhula para malaman ang lahat ng nangyayari. She hates being clueless! She hates it when she is worried about a blank space. Kahit update man lang sana, okay na siya doon. Pero ni 'ha' ni 'ho', wala. 

Mariin niyang hinilot ang kaniyang sintido. Nananakit na ito dahil sa walang tigil niyang pag iisip kung nasaang lupalop na ang kaniyang boyfriend. At bukod doon, dumadagsa rin ang kaniyang customer kaya mas lalo siyang nafufrustrate. Kailangan niya si Harken. Isang buntong-hininga na lang ang kaniyang pinakawalan at pinagpatuloy na lang ang pag-aayos ng mga bulaklak. 

Nasa kalagitnaan siya ng paglalagay ng rosas sa isang basket nang may kumatok sa pinto ng kaniyang shop. Inayos niya muna ang sarili bago buksan ang pinto, secretly hoping na sana si Harken na iyon.

But to her surprise, it was Monica. Nanlaki ang mga mata niyang napaatras. Hindi niya naisip na babalik pa ito sa Route 88. Halos ilang buwan na itong missing in action kaya akala niya, hindi na ito magpapakita pa. 

Tumaas ang kilay nito at tingnan siya mula ulo hanggang paa. "Good to see you," inilahad nito ang kaliwang kamay patungo sa direksyon niya. "Akin na ang pinapagawa ko sayong love letter. It's long overdue."

Sunod-sunod siyang lumunok dahil sa matinding kaba. Paano niya sasabihin na hindi niya talaga nagawa 'yong sulat at sila na noong taong pagbibigyan nito? 

"Ahmm…"

"What? Nasaan na?" inip na tanong nito sa kaniya. 

She gulped again. "Ano kasi," she took a deep breath. "Hindi ko nagawa 'yong sulat."

Monica's expression changed, she seems furious about what she heard. "Hindi mo nagawa? Anong ginawa mo sa halos sampung buwan na wala ako rito? Nag prayer meeting? Nag meditate?"

Aaminin niya ba ang totoo? Knowing Monica, she is sure as hell that she will never let it pass. Her bad-girl reputation, she gained it for a reason. Siguradong lagot siya. 

"Well?" anito at naghihintay ng sagot niya. Ilang beses niya na yatang naiusal sa isip niya ang Ama Namin sa sobrang kaba. 

Hendell gathered all her wits. "Harken and I are currently in a relationship," she said. 

But strangely, Monica didn't look surprised at all. "I know."

"You know?" ulit niya sa sinabi nito. 

Monica rolled her eyes. "Anong akala mo sa akin, nakatira sa old age? For your information laganap na ang chismisan sa mundo. At sinong hindi makakaalam eh pinangalandakan ka na nga sa social media ni Harken," she rolled her eyes again. "Sana all."

Siya? Pinost ni Harken sa social media? She didn't know that. Wala siyang social media accounts at email lang ang ginagamit niya. 

She heard her 'tsk' before she turn her back to leave. But her conscience is dominating her system kaya tinawag niya ito. Hindi ito lumingon pero sapat na ang paghinto nito para malaman niyang makikinig ito. 

"I am sorry," she said and really mean it. She has nothing to say sorry for but somehow, she thinks that she owe her one. "I am so sorry kung naging kami ni Harken."

"It's alright. At saka huwag kang hihingi ng paumanhin sa pagsunod sa dinidikta ng puso mo. Anyway, aalis na ako at kung ano pang kababalaghan ang masabi ko. This is so not me!" Himutok nito at mabilis na lumakad paalis. Napangiti siya. Kung may female version si Marcio, mukhang si Monica na nga iyon. 

Dumaan pa ang ilang araw na sobrang bagal. Wala pa rin siyang balita kay Harken at kung nasaan ito. Sinubukan niyang magpunta sa Monte Claro ngunit wala ito roon. Now, she is worried big time.

Akmang tatawagan niya ito nang may kumatok sa kaniyang pinto. As usual, she is secretly hoping that it would be Harken. Huminga muna siya ng malalim bago niya ito buksan, at tumambad sa kaniya ang lalaking ilang araw na niyang hinahanap.

"Harken," sambit niya sa pangalan nito.

"Hendell."

Napapikit siya. Disappointment flows on her system. Nasaan na 'yong endearment nitong 'love' sa kaniya? Anong nangyayari? Pero hindi makakatulong kung manunumbat pa siya. She will choose to be the bigger person in the situation. Siya naman ngayon ang iintindi rito. 

"Halika, pasok ka," aniya at hinila ito papasok sa loob ng bahay. Pinaupo niya ito sa sofa. He looks disoriented and he is not in his usual self right now.

Hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil. 'What happened?" tanong niya at hinuli ang tingin nito.

Ngunit panay naman ang iwas nito sa kaniya. "It's just," He took a deep breath. "Nothing."

Hindi siya kumbinsido. Alam niyang may mali at willing naman siyang tulungan ito katulad ng ginawa nitong pagtulong sa kaniya noon. What she need is his cooperation dahil tulad nga ng sinabi niya, hindi siya manghuhula. 

She sighed. "Anong nangyari? Come on, kausapin mo ako, love. Nag-aalala ako sa iyo."

He shook his head. "Wala. Walang nangyari," Halatang umiiwas ito. Hindi siya sanay na hindi ito nag o-open ng saloobin sa kaniya. Siya pa nga itong madalas na maglihim ng nararamdaman sa kanilang dalawa. 

"Hark, I am no dumb. Ilang araw kang walang paramdam at hindi ka man lang tumawag sa akin para mag explain kung bakit bigla ka na lang umalis sa Fred's. Sabihin mo lang sa akin kung anong nangyayari sa iyo ngayon. Maiintindihan ko naman eh," naiiyak na wika niya. 

But she heard nothing to Harken after that. Bigla na lang itong umalis at nagtungo sa bahay nila Marcio. Nanghihinang napaupo na lang siya at sinusubukan na intindihin ang situwasyon. Kailangan nito ngayon ng kaniyang pag unawa kaya iyon ang ibibigay niya. Kahit kapalit 'non ang pagbukas muli ng mga sugat na nakatago sa puso niya.

Hinayaan niya muna itong makapag isip isp. Palagi siyang nakaabang sa bintana ng kuwarto niya kung sakaling lumabas ito ng bahay. Nami-miss na niya ito. She misses their alone time, their conversation, their staring-for-no-reason, their silence, and his everything. She's longing for him. Every day become so hard because she became very dependent on him in so many ways. Parang literal na other half niya ito dahil pakiramdam niya ay nawalan siya ng balanse mula noong araw na hindi na niya ito nakikita. Hindi na siya halos makakain dahil sa sobrang pag iisip niya kung maaayos pa ba at mababalik sa dati ang lahat. Pero pinangako niyang maghihintay siya hanggang maging okay ito. Right. Think positive.

Weeks passed, and she is starting to lose her faith in him. Hindi pa rin ito nagpapakita sa kaniya. Gustong gusto na niya itong puntahan sa kabilang bahay pero pinipigilan niya ang sarili tuwing gagawin niya iyon. Ayaw niyang magmukhang makulit at ayaw niyang magalit sa kaniya si Harken. She is giving him the space he needed. But her days became empty and meaningless. Parang bumabalik siya sa mga panahong hindi pa dumadating si Harken sa buhay niya. Nasasaktan siya sa pagdi-disregard ni Harken sa kung ano mang mararamdaman niya.

"Marcio, puwede ka bang makausap?" pagbabakasakali niya, isang araw na mamataan niya itong nakatambay sa labas ng bahay nito.

He looks at her with a smug face. "Anong kailangan mo sa akin?"

She gulped and sighed. She's hesitant at first but she went on it anyway. "Okay lang ba si Harken? Ilang araw na siyang nagkukulong sa bahay niyo eh. Nag aalala na ako. Please, Marcio, tell me if he's okay."

Nakita niya ang eksaheradong  pagkunot ng noo nito. "Hindi ba niya sinabi sa'yo?"

Dumaan ang kaba sa dibdib niya. "Ang alin?" tanong niya at piniga ang kaniyang nagsisimulang manginig na kamay.

Matagal itong hindi sumagot. Nakatingin lang si Marcio sa kaniya na parang iniisip kung sasabihin ba o itatago na lang sa kaniya ang nalalaman nito.

Pumatak ang luha sa kaniyang pisngi. The familiar pain is slowly coming back to her. "Please Marcio, I'm begging you. Sabihin mo sa akin ang totoo," aniya at akmang luluhod siya nang bigla siyang pigilan ni Marcio. He was firmly holding her arms to stop her from kneeling, dahil doon ay mas lalo siyang naiyak. 

"H, just promise me you'll going to be fine," he said. "Ayaw kong makakita ng ngumangawa sa harapan ko."

She shook her head. "Ayaw kong mangako. Pakiusap, sabihin mo na."

He let out a long and deep breath. He stands up straighter and squeezes his eyes closed before he said the words that'll change her life forever. "Wala na siya."

"Ha? Anong wala na siya?" naguguluhang tanong niya.

"Wala na siya dito sa bansa. He went to Australia a week ago. Akala ko nasabi niya na sa'yo," anito habang tinitimbang ang magiging reaksyon niya. 

Napaupo siya. Nawalan siya ng lakas sa kaniyang nalaman. Umalis ito? Umalis ito nang wala man lang pasabi? Ni wala man lang aviso? 

"Hanggang kailan raw?" Nagawa niya pang itanong kahit malapit na siyang humagulgol sa sobrang sama ng loob.

"Sabi niya, for good na raw," sagot nito. 

Mabilis niyang tinakpan ang bibig at saka siya humagulgol ng iyak. Wala na siyang pakialam kahit nasa harapan niya si Marcio. Wala na siyang pakialam kahit biglang bumuka ang lupa o tamaan siya ng kidlat. She is hurting, that's all. 

Naninikip ang dibdib niya sa pag iyak. Bakit nagawa ito ni Harken? May nagawa ba siya? Hindi ba nito nagustuhan ang huli nilang pag uusap? Pero paano 'yong mga pangako nito sa kaniya? 'Yong bahay? 'Yong kasal? Paano na iyon? Minahal ba talaga siya ni Harken? O baka naman, napagod ito sa kakaaalay sa kaniya? 

Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip niya. At sa mga tanong na iyon, wala siyang makuhang sagot. Gusto niya na lang maging manhid dahil wala nang mas sasakit pa sa ginawa ni Harken sa kaniya. Mas masakit pa ito kaysa noong binalak siyang ibenta ng mga magulang niya. Mas maraming tinik ang tumutusok tusok sa puso niya. Mas may hihigit pa pala sa nauna na niyang napagdaanan. She felt betrayed.

Ang masakit pa ay sa taong mahal niya ito natamo. 'Yong taong akala niya na hindi siya magagawang saktan. 'Yong taong nangako na hindi ito mawawala. Pero nasaan na ito? Iniwan siya nang walang paalam. 

"Sabi niya hindi niya ako iiwan," Isang hikbi ang pinakawalan niya bago magpatuloy. "Sabi niya mahal niya ako. Marcio, bakit siya lumayo? Nandito naman ako 'diba? Bakit kailangan niyang umalis?"

Marcio sighed and sat down to level her. "Ang sabi ko ayaw kong makakita ng taong ngumangawa sa harapan ko," Kinapa nito ang bulsa at inilabas ang puting panyo. Marahan nitong tinuyo ang kaniyang mukha. "Naalala mo ba ang sinabi ko sa iyo noon? Ang pag ibig na 'yan, pag aaksaya lang ng oras."

He 'tsked' and shooked his head like he regretted everything that he just said. "Alam mo, wala akong masasabi ngayon na maganda kaya sumama ka na lang sa akin," he look at her once again. "Teka, umiinom ka ba?"

Umiling siya habang wala pa ring tigil ang pag-iyak niya. Tuloy-tuloy lang ang pag agos ng kaniyang mga luha, hindi niya mapigilan. 

"Toma na lang tayo. Huwag kang mag alala, wala naman akong gagawing masama. Kapag ganiyang brokenhearted, kailangan ng alcohol para mawala ang sakit. Bacteria lang talaga 'yang pag-ibig na 'yan," anito at hinila siya papunta sa kung saan. Nagpatianod na lang siya dahil wala na rin namang halaga ang buhay niya. Kahit siguro patayin siya ni Marcio ngayon ay hindi siya papalag. 

Sa Alejandro's siya nito dinala. Ito ang bar kung saan lagi itong kumakanta at dito rin siya unang tinitigan ni Harken. Anak ng tupa! Harken na naman.

Umupo sila sa pinakagilid na parte ng bar. Sobrang bigat pa rin ng loob niya na halos hindi na niya marinig ang nakakabinging EDM music na bumabalot sa buong paligid. She is still in shock and God knows when she can recover from it. 

Marco leans forward to let him hear what he was about to say. "I'll order some drinks. Ako na muna magbabayad pero utang ang iinumin mo ha? Huwag kang aalis dito," bilin nito sa kaniya ngunit wala itong nakuhang reaksyon mula sa kaniya. She was too devastated to mind him. 

She heard him sighed then after a few seconds, he went to his bartender friend, Tres. Naiwan naman siyang wala pa ring imik. Namamanhid na siya at naiiyak. Gusto niyang maramdaman na manhid na siya para hindi na niya maramdaman ang sakit. Pero ibang pamamanhid ang nararamdaman niya.

Her mind is completely blank, she absent-mindedly roams around not minding those guys who were intentionally bumping on her. Nakita niya ang papalapit na waiter na may dalang isang bote ng tequila. Hinarang niya ito at mabilis na kinuha mula rito ang dalang alak. 

"I-charge mo 'to kay Marcio Palmeras," aniya nang akma itong kukunin pabalik ng waiter. Wala naman itong nagawa at tumangong umalis na lang para kumuha ulit ng tequilla sa counter. 

Mabilis niyang binuksan ang bote ng tequila at diretsong ininom iyon na parang tubig. Napangiwi naman siya sa lasa nito at sa init na hatid nito sa kaniyang lalamunan. Hindi siya umiinom kaya hindi niya napaghandaan ang epekto nito. 

Pasuray suray siyang naglakad palabas ng bar. She needs some air! Hindi niya maintindihan kung bakit sobra siyang naiinitan. Nanlalabo na rin ang paningin niya dahil parang gripong tuloy tuloy na umaagos ang kaniyang masaganang luha. 

"Hindi naman nawawala ang sakit eh," hikbing ani niya habang patuloy na naglalakad sa kawalan. "Sinungaling ka Marcio. Pati ikaw Harken! Lahat kayo! Ang sinungaling niyo!" 

She didn't exactly know what happen next, but she found herself driving Alejandro's delivery truck. Hindi siya ganoon kagaling mag drive dahil minsan lang siyang tinuturuan ni Harken. She was looking side to side and laugh like a psychopath. Is this how it felt to be miserable? You almost got crazy? 

Mahigpit na hinawakan niya ang steering wheel na parang doon siya kumukuha ng lakas. Bumibilis na rin ang pagmamaneho niya at hindi man lang siya nakaramdam ni katiting na takot. Kung mamamatay siya ngayon, mas mabuti. 

Dahil nanlalabo ang mata niya at wala na siya sa tamang wisyo ay hindi niya namalayan na sumalpok na pala ang minamaneho niyang sasakyan. Ang huling natatandaan niya lang ay ang dugong pumatak sa kaniyang mga kamay at ang imahe ni Harken noong mga panahong magkasama pa sila. 

Masakit ang mga matang iminulat ni Hendell ang kaniyang mga mata. Puro puti ang nakikita niya at matapang na amoy na pamilyar sa kaniya. She groaned when she realize that she is in the hospital. 

"Mabuti pala at gising ka na," ani ng isang boses sa gilid ng kama niya. Dahan-dahan niya itong nilingon at nakitang nakamasid sa kaniya si Marcio. "Alam mo bang muntik na rin akong mamatay kakahabol ko ng truck ni Alejandro? Pambihira ka H! Babayaran natin iyon!"

Bigla na lang tumulo ang kaniyang mga luha. Hindi dahil sa damage na kailangan nilang bayaran, kung hindi dahil hindi pa siya namatay. "Sana namatay na lang ako."

He blinked. "At pagkatapos? Sinong pagbabayarin mo ng burol at pagpapalibing mo? Kami? Si Mayor? Aba naman! Mukhang wala ka pa yatang funeral plan eh, mang aabala ka pa ng tao," sermon nito at hinilot ang sintido. "Okay ka na ba?"

Umiling siya dahil iyon naman ang totoo. Hindi siya okay. 

"Anong gagawin ko ngayon?" tanong niya. Gulong gulo siya dahil hindi niya na alam ang gagawin pagkatapos ng lahat. Hindi niya alam kung saan banda siya mag uumpisa ngayong wala nang Harken sa tabi niya. 

Marcio tapped her shoulders to get her attention. "Mabuhay ka. Iyon ang kailangan mong gawin," wika nito. "Kailangan mong mabuhay dahil kung mamamatay ka, talo ka. Baguhin mo ang sarili mo at ituring mong patay ang dating Hendell. Think like you are a new person now. I will help you cope with everything, basta ba't tutulungan mo akong bayaran ang naibangga mong sasakyan ni Alejandro."

"I don't think it's a good idea," aniya. 

"Ano pa bang mawawala sa'yo? You lost everything! Gugustuhin mo pa bang bumalik sa pagiging mahina, ha Hendell?" 

Hindi siya nakasagot. Tama ito. Walang mangyayari kung babalik pa siya sa dati. Tama ulit ito. Wala na siyang kahit ano at wala nang mawawala pa sa kaniya. Changing herself might help her to go on with her life. 

She sighed, finally accepting her fate. "I want to change myself, Marcio. 'Cause, starting today the old Hendell," she paused. "She's dead."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
MarshiaCalahan29
... next.. please.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status