Marahan kong itinaas ang aking kamay upang mag-unat. Magtutungo nga pala kami sa hacienda ngayong araw. Ang Hacienda Bonifacio na pagmamay-ari ng aming angkan.
Mayo 10 ngayong araw at nagpasya ang buong angkan ng Bonifacio na magtungo sa Hacienda Bonifacio upang ipagdasal ang kanilang kalagayan sa kulungan sa Maragondon, Cavite ang mga tiyuhin ko na sina Andres Bonifacio at Procopio Bonifacio.
"Anna bumangon ka na riyan at maggayak dahil aalis na tayo maya-maya lamang." sigaw ni Ina mula sa labas ng aking kwarto. Kaya bumangon ako at sumilip muna sa bintana, nakita ko roon si Juancho na nakikipagtalastasan sa mga magsasaka.
Di man ganun kayaman si Juancho ngunit ang kabutihan na taglay niya ay di kailanman mapapantayan ng sino man.
Ng mapagawi ang kanyang paningin sa aking pwesto ay napaiwas ako ng tingin at bumalik na sa aking kwarto at nagtungo sa harap ng salamin.
Napangiti ako ng mapagmasdan ang aking sarili. At tsaka itinirentas ang aking buhok at tsaka lumabas na ng kwarto ko suot ang balabal na nagtatakip sa aking makinis na balat.
Paglabas ko ay bumungad sakin si Annie na kalalabas lang din ng silid niya, nakangiti ito sakin at nagningning ang mga mata.
"Ano't napakasaya mo, Annie?" natatawang tanong ko sakanya at tsaka bumaba sa sala sumunod naman siya sakin.
Pagbaba namin ay naroon na sila Ina at Ama na nag-iintay samin.Agad na kaming umalis ng bahay at nagtungo sa Hacienda. Nadaanan namin sila Juancho pero iniwas kong magtama ang aming mga mata. Ayaw ng angkan namin sa Pamilya nila Juancho, sa anong dahilan ay di ko alam at di namin batid.
Dalawa lamang kaming anak ni Annie kaya ingat na ingat sila Ina at Ama samin. Ni malapitan ng lalaki ay pinagbabawal nila maging ang makipagkaibigan sa mga ito ay bawal.
Sumakay kami sa kalesa at hinatid kami nito sa Hacienda Bonifacio.
Hacienda Bonifacio
Sa pagdating namin sa Hacienda agad na lumapit ang nakangiting si Tiya Maria. At kasama naman niya ang anak niyang blangko lamang ang mukha na nakatingin samin.
Sa lahat ng kaanak namin sakanya ako iwas. Bata man siya tingnan pero parang ang lalim lagi ng kanyang iniisip. Di mo alam kung may sinasabi siya na tungkol sayo sakanyang isip.
Siya si Sarah anak ni Tiya Bertha at Tiyo Luther. Mailap ang batang ito samin sa lahat ng pamangkin ko siya ang ni kailanman di nakipag-usap samin. Lagi lamang siyang nasa isang sulok at tahimik na pinapanood ang lahat tuwing may pagsasama-sama ang buong angkan ng Bonifacio.
Sa ngayon ay nasa loob na kami at nakikipagkwentuhan na sila Ina at Ama sa mga kapatid at tiyahin ni Ama. Habang si Annie ay nakikipagkwentuhan kay na Beatrice at Vera.
At ako naman ay nanatiling pinagmamasdan si Sarah na tikom ang bibig na nililinga-linga ang paligid. Wala pa kasi si Lawrence at Margareth ang mga kausap ko tuwing may pagsasama ang buong angkan.
Narito kami dahil sa naghihintay kami pare-parehas ng balita ukol sa mga tiyuhin ko na si Andres at Procopio.
Maya-maya pa'y dumating na sina Margareth at Lawrence kaya nagkaroon na ako nagkakwentuhan. Minsan tinatanong nila ang tungkol kay Juancho kaya nakakaramdam ako ng kabog sa aking puso. Mahal ko nga talaga si Juancho.
Nagpaalam saglit sina Margareth at Lawrence upang makipagkwentuhan kina Annie na nagtatawanan sa isang kubo rito sa Hacienda. Bale may mansion rito na kung saan pwede kaming magsama-sama. Pinatayo ito ng mga ninuno ng aming lahi.
Muli akong napabaling kay Sarah laking gulat ko ng makita ko siyang nakatingin sakin. Masama ang kanyang titig, at nagulat ako ng ngumisi siya.
Nagtaasan ang balahibo ko ng ningitian niya ako kaya napaiwas ako ng tingin. Ng muli kong ibalik ang tingin ko ay wala na siya roon kaya nakaramdam ako ng kaba. Nagulat nalang ako ng..
"Ate Anna Luisa mag-iingat ka, nakatakda ng maganap ang dapat maganap. Magbabalik na ang tunay na Anna Luisa rito, magbabalik na siya." makahulugang sabi niya.
Naguluhan ako at lalong nagtaasan mga balahibo ko. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot ka.
Nagulat pa ako ng bumulong siya.
"Siya si Aera." bulong at ngumisi siya sa harap ko at tsaka umalis at nagpunta kila Tiya Bertha at Tiyo Luther. Di ako nakapagsalita, sinundan ko lang siya ng tingin at ramdam ko pa rin ang panginginig ng buo kong katawan.
Natulala nalang ako at di nakaalis sa kinauupuan ko hanggang sa..
"Ano't namumutla ka Anna?" tanong ni Lawrence ng makita akong tulala at balisa.
Di ko kasi alam kung paniniwalaan ko ba yung sinabi ni Sarah o hindi. Dahil sa di magkamayaw na kabog ng puso ko sa dibdib.
Ang tibok nito ay di mapakali.
"Anna, okay kalang ba?" nag-aalalang tanong ni Margareth sakin.
Di ko magawang maibuka ang bibig ko, nakatitig lang ako sakanilang dalawa. Kaya niyakap ako ni Margareth.
"Ang init mo Anna." bulalas ni Margareth kaya nataranta rin si Lawrence at hinawakan ang noo ko.
"Nilalagnat ka." ani naman ni Lawrence. Kaya dali-daling umalis si Lawrence at nagtungo sa loob upang ipabatid kila Ina at Ama ang kalagayan ko.
Hanggang sa..
"Anna." bulalas ni Ina at lumapit sakin. Lumapit na rin sina Annie samin ng marinig ang tawag ni Ina sakin.
At puno sila lahat ng pag-alaala.
"Bakit ang init mo iha?" tanong ni Tiya Bertha. Katabi niya si Sarah na wala pa ring pake sa paligid.
Hanggang sa unti-unti kong nararamdaman ang panghihina ng buo kong katawan kaya naalarma sila at inalalayan ako. Bumagsak ako sa sahig at napahawak sa noo ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
"Ano bang nangyayari sayo iha?" tanong ni Ina pero di ko magawang sumagot dahil sa sobrang hilo na aking nararamdaman.
Naramdaman konalang ang paghiga ko sa sahig. Hinang-hina ako. Inilibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat. At napapansin ko ang dahang-dahan na panlalabo nito.
Napatingin ako kay Sarah na nakangisi na sakin.
Ano bang problema niya sakin?
At sa pagpikit ng mga mata ko kasabay nito ay malaking pagsabog na di ko alam kung saan sumabog..
At ang huli ko nalang narinig ay.
"Sina Andres at Procopio, namatay na sa Maragondon, Cavite. Pinatay na sila dahil magiging hadlang daw ang magkapatid sa mga pinuno sa kabite sa nais na makuha ang pamamahala ng himagsikan." huling boses na narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay at muling umeere sa utak ko ang sinabi ni Sarah.
Siya si Aera.
To be continued..
Anna LuisaNagising ako sa isang malawak na kama. Napakalambot nito at ang sarap sa likod, at tsaka ko naalalang hindi ganto kama ko. Ng imulat ko ang mata ko ay nagulat ako sa paligid. May gantong lugar ba sa mansion sa Hacienda Bonifacio.Kung meron bakit ngayon kolang to nakita? Bumangon ako at nag-unat ng katawan. At tsaka umupo sa kama."Ina, Ama, Annie nasaan kayo?" inaantok na tawag ko sakanila.Pero bigo ako dahil ni isa kanila walang sumasagot. Nasaan kaya yung mga yun? Tumayo ako sa kama at pumunta sa isang pinto, at ng tingnan ko isa itong palikuran. Ayos tong kwartong to iba.Pupungay akong pumasok roon at naghilamos. Hanggang sa maalala ko sila Margareth at Lawrence nasaan kaya sila?Mukhang umuwi na pero imposible naman, diba nga ay patay na--hala oo nga pala wala na sila Tiyo. Bakit kasi kung sino pa kapwa Pilipino nila sila
Anna Luisa"Oy Aera, ayos kalang ba? Kanina ka pa tulala diyan?" sulpot ni Catriona sa harap ko. Kaya nagulat ako napatakip ng bibig ko."Hala siya, ano bang natira mo bes at nagkakaganyan ka?" natatawang sabi niya pa sakin.Di ko siya maintindihan. Ano ba ang mga sinasambit niya? Ganto ba talaga sa panahong to. Wala talaga ko maintindihan."Binibini, di ko alam ang iyong mga tinuran." seryosong sabi ko sakanya.Kaya natulala siya at tinaasan ako ng kilay."Grabe ka mantrip bes pinanindigan mo talaga eh no." umiiling na sabi niya."Ngunit di ko talaga maintindihan ang iyong mga tinuran, binibinig Catriona." nakangiting sabi ko sakanya kaya lalo siyang nagtaka at kumunot ang noo sa harap ko.Nandito na nga pala ako sa PUP na ang buong pangalan raw ay Polytec
Anna LuisaPagkatapos ng klase ay di ko na alam kung paano ako babalik sa tahanan na kinamulatan ko kaninang umaga.Kasalukuyan na kaming palabas ni Catriona ng paaralan kaya di na ko nagpaligoy-ligoy pa at nagtanong na ako sakanya."Binibining Catriona, maari bang ihatid mo ko sa aking tahanan?" tanong ko sakanya napalingon siya sakin at nagsalubong ang kilay."Hala bessy pati condo mo nakalimutan mo, napapaano ka ba?" nagtatakang sabi niya sakin."Condo?" takang sabi ko sakanya. Kaya napasapo nalang siya noo niya at napailing."Ay teh, iba na tama mo. Oh siya tara na ihahatid na kita para makauwi na rin ako." umiiling na sabi niya at tsaka hinila na ako paalis sa gate ng paaralan.Sumakay kami sa isang sasakyan na sinakyan rin namin kanina. Dyip raw ito sabi ni Catriona,
Anna LuisaPanibagong araw na naman para sakin ang makipagsalaparan sa panahon na ito. Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula ng mapadpad ako rito. At wala pa rin akong nakukuhang kasagutan kung bakit ako naririto?Namimiss ko na sina Ina at Ama maging si Annie at mga kaibigan ko sa taong 1897.Nakakalungkot lang na wala akong magawa para bumalik sa aming taon. Ilang linggo na rin na naging matunog ang aking ngalan sa aming paaralan dahil nagtataka sila sa mga kinikilos ko na di ko naman daw ginagawa.At sa klase naman ay lagi akong nakakasagot sa klase at tuwing may pagsusulit ay halos walang mali sa aking mga sagot. Kaya lalong nagugulat ang mga kamag-aral namin lalo na si Catriona.Bumangon ako sa kama at pumunta sa sala upang maghanda ng aking kakainin. Hanggang sa may kumatok.Mukhang si Catriona na yan. Sinabi niya kasi na pupunta siya rito
Anna LuisaPagkatapos ng pangyayari na yun ay lubhang nag-aalala sila Catriona at Yuri sakin at napag-alaman nilang wala akong kain ng umagahan. At totoo naman ang sinabi nila.Nakalimutan ko kasing kumain. At maya-maya pa'y nagdesisyon na silang umuwi. At kinabukasan heto na ako ngayon ay nakahanda na para sunduin ng Kuya ni Aera.Di ako nakatulog kaiisip sa Hacienda Bonifacio dahil gusto kong makita itong muli. Madaling araw ngayon at kasalukuyan kong pinipindot-pindot ang cellphone ni Aera may nakita akong mga larawan rito.Napakamoderno na talaga ng taon na to. Maging ang mga larawan ay nasa cellphone na lamang. Di katulad sa taon namin na tanging pagpinta na lamang upang ikaw ay may larawan.Hanggang sa may kumatok sa pinto, batid kong si Kuya na ni Aera ito. Kaya agad kong binuksan at di nga ako nagkamali ang Kuya nga ni Aera ito paano ko nalaman? Nakita ko sa mga la
Anna LuisaPagkababa ko ng kotse ni Kuya ay namangha ako dahil sa ibang postura ng hacienda, hindi na ito mukhang makaluma at napalitan na rin ang mga desinyo. Naglakad ako papasok dahil nandun na si Kuya, namangha ako sa dami ng mga bulaklak at halaman na naririto.Kaya di ko maiwasang lumapit sa mga isa sa mga bulaklak, at ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang sampaguita na mabango ang halimuyak nito.Hinawakan ko ito at pinagmasdan. Napakabango talaga nito, meron kasi sa aming tahanan at sa hacienda nito noon, buti naman na hanggang ngayon meron pa.Kumuha ako ng isa yung may tangkay at inilagay sa tenga ko, at napangiti ako dahil si Juancho ang naglalagay nito sa aking tenga, at pakiramdam ko ay ako na ang pinakamagandang babae..Nagpaikot-ikot ako sa paligid at ngumiti ng sobrang tamis dahil naramdaman ko na naman ang kagandahan na naramdaman ko noon..
Anna LuisaNung araw na yun, ay di na kami nakapag-usap pa ni Ethan dahil saglit lang daw siya dahil may pupuntahan pa raw siya. Kaya heto ako at tinitiis ang kaingayan nina Alonika at Julia.Wala naman akong ganang, pinagmasdan ang pag-aaway nila sa harap ko. Pabalik na kami sa Manila at kasama tong dalawa kong pinsan dahil doon na raw sila mag-aaral sa pinapasukan ko.Kaya natitiyak kong magugulo ang buong taon ko sa pag-aaral ko dahil sa dalawang to, at sabi ni Kuya ay sa condo ko raw titira tong mga to, nung una gusto kong umangal pero wala akong magawa dahil, wala daw tutuluyan ang magkapatid sa Manila.Habang nasa biyahe ay patuloy ang bangayan nilang dalawa, at laging napipikon si Julia kay Alonika."Julia, ang ingay niyo." saway ni Kuya sakanila. Kaya natigilan ang dalawa at nanahimik nalang.At ako naman ay napalingon sa labas ng
Anna LuisaPagkatapos nung araw na yun ay balik na ulit sa dati, lagi ko ng kasama pumasok sina Yuri, Catriona at ang dalawa kong pinsan. Pero madalas ay may mga senaryo akong nakikita sa isip ko, parang yung mga ginagawa ni Aera noon at hindi ko maintindihan kung bakit ginugulo ako ng mga senaryo na iyon, nakakasabay na rin ako sa pagnag-uusap sila pero kadalasan talaga ay wala akong maintindihan. Kaya nanahimik lang ako kadalasan.Nasa kantina kami ngayon at kumakain ng tanghali, kasama ko rito sina Catriona at Yuri, at hinihintay namin sina Alonika at Julia dahil hindi ba ang klase nila."Ah! Catriona at Yuri, aalis muna ako magbabanyo lang." pagpapaalam ko sakanila. Kaya napatingin sila sakin."Sige balik ka agad ah." sabi ni Catriona sakin kaya tumango ako at tsaka tuluyang lumabas ng kantina, ilang linggo na ko dito, kaya me