Share

Kabanata 7: Pretending to be sick

Ricks POV

"Babes, ang aga mo naman yatang nagsundo ngayon? Hindi ba dapat ay mamaya pang 7pm ang out mo?"

Nagulat pa si Ricks nang makitang nasa harapan na pala niya ang nobyang si Joy, sa sobrang lalim ng iniisip niya ay hindi man lang niya namalayang nasa harap na pala niya ito.

Tiningnan niya ang relong pambisig-- alas singko pa lang ng hapon, hindi niya pwedeng sabihin dito ang totoong nangyari kung bakit maaga siyang nag out sa trabaho kaya naman ay nagdahilan na lang siya dito.

"Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kanina babes kaya maaga akong nagpa-alam na umuwi sa manager ko." pagdadahilan niya dito.

Nakita naman niya ang pagrehistro ng pag-aalala sa magandang mukha nito.

"Masama pala ang pakiramdam mo babes eh bakit sinundo mo pa ako? Dapat ay nauna ka ng umuwi sa bahay at doon mo na lang ako hinintay." nag-aalalang sabi nito habang sinasalat ang noo niya.

Bahagya naman siyang nakonsensiya sa ginawang rason pero mas okay na iyon kaysa magselos pa ito.

"Okay na ako babes, nakita na kita eh." biro na lang niya dito sabay hinalikan ito ng mabilis sa labi.

"Ano ka ba! Halik ka ng halik d'yan, ang dami kayang tao oh!" sita nito sa ginawa niya habang lumilinga sa paligid.

"Bakit ikinahihiya mo na ba ako babes?" kunwari ay nagtatampong tanong niya dito at pinalungkot pa ang mukha.

"Hindi ano! Ikaw kasi basta-basta ka na lang nagnanakaw ng halik eh, dito pa sa harap ng madaming tao." nakangusong sagot nito.

"Eh, di nakawan mo din ako ng halik para patas na tayo." natatawang biro niya dito.

"Ikaw talaga! May sakit ka na nga ay napaka-pilyo mo pa rin!" natatawa namang sabi nito pero hinalikan din naman siya nito sa labi ng mabilis.

"O ayan kwits na tayo! Tara na nga at ibibili kita ng gamot sa botika baka lumala pa iyang sama ng pakiramdam mo." dagdag pa nito at nauna na itong sumakay sa motor niya.

Bigla ay nakaramdam na naman siya ng konsensiya dahil sa matinding pag-aalala nito sa kaniya kaya ipinangako niya sa sarili na hindi na muling magsisinungaling pa dito.

Alagang-alaga siya nito pag uwi pa lang sa apartment nila. Hindi siya pinakikilos nito at agad siyang ipinagluto ng mainit na sabaw sa pag-aakalang totoo nga'ng may sakit siya.

"Babes tulungan na kita diyan," alok ni Ricks sa nobya habang nagliligpit ito ng pinagkainan.

"Hindi na babes.. umakyat ka na lang sa kwarto at magpahinga ako na ang bahala sa mga gawaing bahay," pagtataaboy nito sa kaniya.

Sinunod na lang niya ang sinabi nito dahil alam niyang hindi naman ito magpapatalo lalo na at inakala talaga nito na masama nga ang pakiramdam niya.

Pagpasok niya sa kwarto ay kaagad siyang nagbihis at naligo, pahiga na sana siya sa kama nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Mabilis niyang kinuha iyon at tiningnan ang caller-- unknown number.

Kinutuban siya ng maisip kung sino ang posibleng tumatawag kaya pinatay niya iyon.

Pero maya-maya din ay narinig niyang nag-vibrate naman ang cellphone niya tanda ng may nagtext doon kaya kaagad niyang binasa iyon.

"Answer me or I will knock at your door."

From: Jade.

Sukat sa nabasa ay nanlaki ang singkit niyang mga mata kaya ka'agad niyang sinagot ang tawag nito.

"Ano ang kailangan mo?" iritableng bungad niya sa babae.

Narinig n'ya ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya bago ito nagsalita.

"Akala ko ay hindi mo sasagutin--"

"Ano ba talaga ang kailangan mo?" putol niya sa iba pang sasabihin nito dahil baka mamaya ay umakyat na si Joy at makita siyang may kausap sa cellphone ng dis oras ng gabi at magtaka pa ito.

"I just wanted to see you, accompany me outside kahit sandali lang." mapang-akit na sabi nito sa kanilang linya at hindi pinansin ang pagsusungit niya.

Napatiim bagang muna si Ricks bago muling nagsalita. Ramdam kasi n'yang inaakit siya nito.

"Alam mo bang kasama ko ngayon ang girlfriend ko?" nagtitimping tanong niya dito.

"Yeah I know, I can see her, and she's outside the gate, gusto mo bang sa kaniya pa kita ipaalam?" nagbabantang tanong pa nito.

Naikuyumos na lang niya ang mga kamao, ang babaeng ito ay talagang inuubos ang pasensiya niya.

"Okay hintayin mo na lang ako d'yan sa labas." malamig na sagot niya sa babae. Ayaw n'yang gumawa pa ng eskandalo ang babae at makita ito ng nobya niya, sa tono kasi nito ay kayang-kaya nitong gawin ang sinasabi nito.

"Okay see you!" nasisiyahang sagot nito bago pinatay ang tawag.

"Babes, may bibilhin lang ako sa labas saglit." paalam ni Ricks ng makasalubong niya ang nobyang si Joy na paakyat na ng hagdan.

"Anong bibilhin mo babes? Anong oras na ah, may bukas pa bang tindahan? At saka kumusta na ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba?" Sunod-sunod at nag-aalalang tanong nito sa kan'ya.

"Ayos na ako babes, huwag ka ng mag-alala sakin bibili lang ako ng snacks natin hindi pa kasi ako makatulog eh." pagdadahilan niya dito.

"Okay sige babes, mag-ingat ka sa labas ha at saka bumalik ka agad." pahabol pa nito.

Nagmamadaling lumabas si Ricks ng gate at kaagad na hinanap ang babae, nakita n'yang nakasandal ito sa gilid ng kotse nito habang ngiting-ngiting kinakawayan siya.

Medyo malayo iyon sa apartment nila ni Joy.

"What do you want?" tanong kaagad niya dito paglapit pa lang niya dito.

"Easy Ricks, maaga pa naman.. why don't you get in my car first at doon tayo mag-usap.." mapang-akit na sabi nito habang hinahawakan ang braso niya.

Tinabig niya ang kamay nito at nagpatiuna ng pumasok sa loob ng kotse nito dahil baka may makakita pa sa kan'ya na kapitbahay nila at mag-sumbong pa kay Joy, problema pa niya.

"Akala ko ba ay gusto mo lang akong makita? Oh ayan nakita mo na ako baka pwede ka ng umalis." prangkang sabi niya sa babae pagpasok din nito ng sasakyan.

"Masyado ka namang nagmamadali, gusto pa kitang makasama kung hindi mo lang alam ay kanina pa kita gustong makita." mapang-akit na sabi nito.

"Hindi pa ba maliwanag sa'yo ang sinabi ko kanina na may girlfriend na ako at ikakasal na kami?" tiim-bagang na tanong ni Ricks sa babae.

"No, hindi pa naman kayo kasal kaya may rason pa ako para makipag kompitensya sa girlfriend mo, malay mo ako ang piliin mo." confident na sagot nito habang hinihimas ang kaliwang braso niya.

Halatang inaakit siya nito, kung iba lang siyang lalaki ay baka sinunggaban na niya ito kaso ay hindi, ni wala nga siyang maramdamang init dito.

"I have to go--

Pero hindi pa niya natatapos ang sasabihin ng biglang hilain siya nito sa batok at sunggaban ng halik sa labi, napakapusok ng halik nito pero hindi niya gusto iyon kaya marahas niyang hinawakan ang mga braso nito at inilayo ang katawan nito sa kaniya.

"Anong itong ginagawa mo!?" galit na asik niya dito.

Para naman itong binuhusan ng malamig na tubig at napahiya.

"Kahit na anong gawin mo ay hindi kita magugustuhan dahil may mahal na ako, hindi ang mga tipo mong babae ang karapat-dapat mahalin kaya huwag mo ng ipilit pa ang sarili mo sa akin dahil paulit-ulit lang kitang itataboy, magkaroon ka naman kahit kaunting dignidad para sa sarili mo!" nanggigigil na sabi niya dito bago lumabas ng kotse nito at pabagsak na isinara iyon.

Hinihiling niya sa sarili na sana naman ay tantanan na siya ng babaeng ito dahil hindi niya alam kung hanggang kailan pa niya kayang magpasensiya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status